Dingdong Dantes, napaluha sa kanyang GMA-7 contract signing

by Jojo Gabinete
Apr 22, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

"Tears of happiness" ang pumatak mula sa mga mata ni Dingdong Dantes habang pinapanood nito ang special AVP na inihanda ng GMA Network Inc. para sa renewal ng kanyang exclusive contract, na naganap ngayong umaga, April 22, sa 17th floor ng GMA Network Center Building.

Naramdaman ng lahat ang kaligayahan sa puso ni Dingdong dahil muli itong pinagkatiwalaan ng management ng television network, na pangalawang tahanan niya mula pa noong 1998.

Continue reading below ↓

Bakas sa mukha ni Dingdong ang excitement sa muling pagpirma niya ng kontrata sa Kapuso Network.

In jest, sinabi ni Dingdong na parang dinilaan ng baka ang kanyang buhok na ayos na ayos dahil sa favorite hair gel na ginamit niya.

Pinaghandaan daw niya nang mabuti ang importanteng okasyong ito sa buhay niya sa pamamagitan ng pagsusuot ng kanyang bago at paboritong damit.

Binanggit din niya na bago ang kanyang suot na underwear.

Inihayag sa presscon ng contract signing ni Dingdong na ang Philippine adaptation ng Descendants of the Sun ang television series na pagbibidahan niya.

Si Lilybeth G.Rasonable, GMA-7 Senior Vice President for Entertainment TV, ang nagkuwento tungkol sa impression niya kay Dingdong nang mag-dinner sila para pag-usapan ang contract renewal ng nag-iisang Prime-time King ng Kapuso Network.

"It was really different because I was expecting uupo ako tapos ilalatag ko sa kanya ano yung mga puwedeng mga projects, ano pa ang puwedeng ibigay ng GMA sa kanya, in terms of shows.

Continue reading below ↓

"Eto, ang tanong niya, 'What can I give pa? And this is what I wanna do for the network. I want to help the network more behind the scenes, hindi lang sa pag-arte.'

"Kumbaga, siya talaga yung nagtanong, ano pa ang puwede kong gawin? So ibang klaseng negotiation, if you would call it that, at talagang tumatak sa akin itong last meeting.

"I like saying it because it’s the first time I’ve ever experience it in all my years of sitting down in negotiations.


"So Dong, thank you so much. That really means a lot to GMA."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results