Toyo ni Nancy Binay, nagpangiti sa mga taga-Pampanga pagkatapos ng lindol

by Jojo Gabinete
Apr 23, 2019
Napangiti ang mga residente sa Pampanga kahit katatapos lang ng lindol noong April 22, dahil sa mga ipinamigay bote ng toyo na may larawan ni Senatorial candidate Nancy Binay.
PHOTO/S: Facebook

Ang pagkakaroon ng "toyo" ni Senator Nancy Binay ang isa sa mga nakapagpangiti sa mga Pilipino na nalulungkot dahil sa malakas na lindol na nangyari sa Luzon noong April 22, Lunes.

Ang lindol na ito ay kumitil ng mga buhay sa ilang mga kababayan natin sa Pampanga, at sumira sa iba’t ibang mga gusali at kalsada.

Ang "toyo" ni Senator Nancy Binay ang ipinamigay sa mga residente sa isang bayan ng Bataan noong Easter Sunday.

Continue reading below ↓

Inihahalintulad ng kampo ni Nancy ang kulay ng balat nito sa dark color ng toyo na ginagamit nila na campaign material sa panunuyo at pagkuha ng atensyon ng mga bontante.

EARTHQUAKE IN SAMAR

Hindi pa nakaka-recover ang mga Pilipino mula sa lindol noong Lunes, kaya muling nadagdagan ang kanilang lungkot dahil sa Magnitude 6.5 earthquake na naranasan ng ating mga kababayan sa Eastern Samar kinabukasan, April 23.

Nangyari ang malakas na lindol sa Eastern Samar habang nagaganap ang grand presscon ng Kuwaresma sa Valencia Events Place sa Quezon City.

Ang Kuwaresma ang unang horror movie ni Sharon Cuneta na produksiyon ng Reality Entertainment, Inc. at sa direksyon ni Erik Matti.

Sa It’s Showtime ng ABS-CBN, hiniling ni Vice Ganda na mag-alay ng dasal ang kanyang mga co-host at ang audience para sa mga naapektuhan ng lindol sa Eastern Samar.

THE LAPIDS IN PORAC, PAMPANGA

Sa Porac, Pampanga, pinangunahan ng mag-amang Lito at Mark Lapid ang pagtulong sa kanilang mga kababayan.

Continue reading below ↓

Ang Porac ang isa sa mga nasalanta nang husto ng lindol na yumanig sa Central Luzon nitong Lunes.

Parehong kumakandidato sina Lito (senator) at Mark (for Mayor of Porac) sa mid-term polls sa May 13, 2019, at walang bahid-pulitika ang pagtulong nila sa earthquake victims dahil dati nang tumutulong ang dalawa sa mga nangangailangan.

Nabigyan lang ng kahulugan ang pagkakawanggawa ng mag-ama dahil sa television camera na nakatutok sa kanila.

Continue reading below ↓

FRANCINE PRIETO

Unforgettable kay Francine Prieto ang lindol sa Luzon dahil nakatira sila ng kanyang asawa na si Frank Shotkoski sa 28th floor ng isang condominium building sa Taguig City.

Inabutan ng lindol sa loob ng elevator ang American husband ni Francine na bumaba at lumabas ng building para ibili siya ng mga gagamitin niya sa kanyang pagluluto.

“Sabi niya para daw siyang nasa vertical bump car, tuloy-tuloy lang na umaakyat ang elevator papuntang 28th floor, tapos bumabangga daw ‘yung elevator sa gilid, twice din daw nag-jerk,” kwento ng aktres tungkol sa earthquake experience ng kanyang asawa.

“Inutusan ko kasi siya na bumili ng kanin, soft drinks, at ice cream, nagluluto kasi ako.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napangiti ang mga residente sa Pampanga kahit katatapos lang ng lindol noong April 22, dahil sa mga ipinamigay bote ng toyo na may larawan ni Senatorial candidate Nancy Binay.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results