John Arcilla, lumabas ang pagka-Sharon Cuneta fan

by Jojo Gabinete
Apr 23, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Lumitaw ang pagiging Sharon Cuneta fan ni John Arcilla sa presscon ng Kuwaresma na ginanap sa Valencia Events Place nitong Martes ng hapon, April 23.

Hindi matapos-tapos ang mga papuri ng aktor sa kanyang kapareha sa horror movie ng Reality Entertainment at Globe Studios na may playdate sa mga sinehan sa May 15, 2019.

Continue reading below ↓

"Introduction pa lang ng first ng opening song niya, nagtataka ako kung bakit lumuluha ako.

"Unang salita, unang buka pa lang ng bibig mo, bumalik lahat sa akin yung ng memories ng 1980s na hindi ko alam kung bakit umiiyak ako, kumakanta ka, ibang klase,” kuwento ni John nang panoorin niya ang concert ni Sharon noong March 30, 2019 sa Alex Theater, Glendale, California.

Aktor na aktor din si John nang dugtungan nito ang kuwento tungkol sa U.S. show ni Sharon na pinanood niya.

“Nung nanood ako ng concert, sabi ko, 'This is not a concert. Sharon is the show, Sharon is the concert.'

"Patawarin po ninyo ako, patawarin mo ako Sharon Cuneta, hindi ako mahilig sa concert, kahit mga international artist kasi hindi talaga ako mahilig na manood ng concert.

"So finally, pinanood kita, alam mo, one of the best experiences I had is watching your show."

Kumusta ang pagtatambal nila sa Kuwaresma?

Continue reading below ↓

Sabi ni John, "Ganito ang pagiging excited ko. Sabi ko, 'Wow, Mega, Sharon Cuneta!'

"So, ito lang ang naisip ko, dadating ako sa set 'tapos darating si Shawie sa set, magwu-work kami together and then, after that, babalik kami pareho sa aming tent.

"Ganoon lang, excited na ako.

"Sabi ko, 'Sharon Cuneta ‘yan, Diva ‘yan, Mega ‘yan.'

"Diva in a positive sense and she earned those titles. So, ganoon lang sa akin yung excitement.

"I can’t really imagine that I can find a friend in Sharon Cuneta."

Patuloy niya, "Si Sharon Cuneta, isa siya sa mga aktres na kapag nakasama mo, yung lahat ng kailangan mo bilang isang aktor, sa iyong emosyon, sa requirement ng eksena, makukuha mo sa kanya.

"Napaka-generous mo.

"At hindi lang siya generous as an actress. Personally, napaka-generous niya, lagi kaming merong pagkain.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results