TV Patrol reporter Ganiel Krishnan, binura ang tweet tungkol kay Atom Araullo

by Jojo Gabinete
Apr 24, 2019
PHOTO/S: Facebook

Deleted na mula pa kahapon ang tweet ng TV Patrol showbiz reporter na si Ganiel Krishnan tungkol sa pagiging fan at fascination niya kay 24 Oras anchor Atom Araullo.

Nagpasya si Ganiel na burahin na lamang ang tweet niya nang maganap ang malakas na lindol sa Luzon noong Lunes, April 22, dahil sa unfavorable reactions ng mga tao.

Continue reading below ↓

Nilinaw ng former beauty queen na tungkol sa "earthquake" ang tweet niya, hindi tungkol sa mga biktima ng lindol.

Sinabi rin ni Ganiel na hindi nito intensiyong gawing katatawanan ang mga tao na nagkaroon ng trauma dahil sa malakas na lindol.

Wala talagang kinalaman sa earthquake victims ang tweet ni Ganiel, na natuwa lamang siya at lumitaw ang pagiging fan nang mapansin ni Atom ang kanyang Twitter post tungkol sa lindol.

Sa sobrang galak ni Ganiel, nag-tweet siya ng “Omg, my all time reporter crushy. Ako yan guys! Nakita niya tweet ko guyzzz hahaha!” ilang minuto matapos mangyari ang mapaminsala na lindol.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results