Vic Sotto binigyan ng birthday presentation ng Eat Bulaga!

by Jojo Gabinete
Apr 27, 2019
Birthday boy Vic Sotto with his daughters Paulina (L) and Danica (middle)
PHOTO/S: Eat Bulaga! on Facebook

Pure fun at walang drama ang 65th birthday celebration ni Vic Sotto sa Eat Bulaga! nitong April 27, Sabado ng tanghali.



Mga contestant sa "Boom" sina Pauleen Luna, Wally Bayola, at Ai-Ai Delas Alas, samantalang ang mga kapatid ni Vic na sina Val, Senator Tito at Maru, ang kanyang son in-law na si Jed, ang kaibigan na si Joey de Leon, at pamangkin na si Mara ang mga bisita sa Tao category ng popular game segment ng Eat Bulaga!

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Palakpak nang palakpak si Talitha, ang anak nina Pauleen at Vic, nang ipakilala ang nanay niya bilang "Boom" contestant.



Kumanta sina Tito, Joey, Maine Mendoza, Wally Bayola, Jose Manalo, ang Broadway Boys, at ang mga anak ni Vic na sina Danica at Paulina ng favorite Beatles songs ng may kaarawan.

Continue reading below ↓

Pabiro na hindi binanggit ni Vic ang kanyang edad, pero nalaman ito ng Eat Bulaga! viewers dahil sa sinabi ni Tito na 65 years na nitong kilala ang nakababata niyang kapatid.

"Ako ang nagturo sa kanya na maggitara. Happy birthday, miss ka na namin. Lagi ka naming nakikita sa Pasig hehehe, pumunta ka rin sa Quezon City," ang para-paraan lang na birthday message ni Tito kay Vic.

Tumatakbong mayor sa Pasig City ang anak ni Vic na si Vico, at vice mayoral candidate sa Quezon City ang anak ni Tito na si Gian. Pero hindi puwedeng banggitin ang pangalan ng mga kandidato para hindi sila maakusahan ng electioneering.

Dahil maabilidad, nakagawa ng paraan si Tito para pasimple na ipaalala sa mga tao ang kandidatura ng mga anak nila ni Vic.

Ang mayoral bid ni Vico sa Pasig City ang dahilan kaya wala siya sa birthday presentation ng Eat Bulaga! para sa tatay niya. Hindi rin nakarating si Oyo, pero kasama ito at ang kanyang misis na si Kristine Hermosa sa mga pinasalamatan ni Vic.

Nagsalita naman si Danica na mas masaya sila ngayon dahil nakikita nilang masayang-masaya si Vic sa piling nina Pauleen at Talitha.

"Now na nakikita namin how happy you are with Pauleen and Tali, mas sobrang masaya pa kami para sa iyo," ang sabi ng panganay na anak ni Vic.

Ang birthday message naman ni Paulina para sa kanyang ama, "Thank you so much for another year full of love, your generosity, your never-never-ending support. I just want to say that I love you very very much, and I hope you know that we’re always here for you no matter what, not just for your birthday, but every day. And I have always and will always be proud to be your daughter, and I love you."

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Birthday boy Vic Sotto with his daughters Paulina (L) and Danica (middle)
PHOTO/S: Eat Bulaga! on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results