Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Pagkakaugnay ni Alden Richards kay Winwyn Marquez, ayaw tanggapin ng possessive fans

by Jojo Gabinete
Apr 28, 2019
PHOTO/S: Rose Garcia

Frankly speaking, walang basehan ang mga reaksiyon na gumagawa lamang ng isyu ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dahil sa balita nitong tumutugma kay Winwyn Marquez ang mga katangiang hinahanap ni Alden Richards sa isang babae.

Hindi puwedeng itanggi ng readers ang mataas na credibility ng PEP.ph na maraming beses nang napatunayan na totoo at hindi imbento ang kanilang mga report.

Continue reading below ↓

Pero minsan, hinihingi ng pagkakataong huwag ibigay ang kabuuan ng kuwento bilang proteksiyon sa mga source ng balita.

Bago pa naglabas ang PEP.ph ng reaksiyon tungkol sa closeness nina Alden at Winwyn sa blessing noong April 24, 2019 ng McDonald’s branch sa Biñan, Laguna na pag-aari ng aktor, may mga nakapansin na sa consistent na pagpuso ni Alden sa mga Instagram post ni Winwyn.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Magpapaalala ito sa lahat sa paraan na ginamit ni Luis Manzano para makuha nito ang atensiyon ni Jessy Mendiola bago nag-umpisa ang panliligaw niya.

Dahil sa obserbasyon ng PEP.ph, lalong napuna at nabigyan ng kahulugan ang madalas na pag-like ni Alden sa mga nakaraang Instagram posts ni Winwyn.

May mga favorable at violent reaction sa Alden-Winwyn issue.

Tanggap ng iba na walang masama kung magkagustuhan ang dalawa dahil pareho silang walang mga karelasyon, pero higit na marami ang kumukontra at nagbibigay ng mababaw na opinyon.

Hindi raw puwedeng ligawan ni Alden si Winwyn dahil magkaibigan sila ni Mark Herras, ang ex-boyfriend ng former beauty queen. Really now?

Continue reading below ↓

Mababaw na katuwiran dahil sa showbiz, marami na ang kaso ng rigodon de amor, kahit tanungin pa nila sina Zoren Legaspi, Ruffa Gutierrez, at Carmina Villarroel.

Ex-boyfriend si Zoren ni Ruffa Gutierrez na kaibigan ni Carmina.

Nandiyan din ang kaso ng love story ni Gary Valenciano na ex-boyfriend ni Felichi na younger sister ng kanyang misis na si Angeli.

Ang kuwento ng love triangle ng magkapatid na Michael de Mesa, Mark Gil, at ng pumanaw na sexy actress na si Tet Antiquiera, na sinamantala ng producer na kanilang pelikula noong 1980, ang Pwede Ba Utol, Akin Siya?

Hindi itsapuwera ang love story nina Vic Sotto at Pauleen Luna, na kaibigan at kasamahan ni Pia Guanio sa Eat Bulaga!, o ang kuwento nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Maja Salvador.

Partymate ni former Caloocan City Mayor Recom Echeverri si Dennis Padilla at kahit walang direktang pag-amin, alam ng lahat na nasa gitna nilang dalawa si Marjorie Barretto.

Continue reading below ↓

Family friend nina Boots Anson Roa at Pete Roa si Atty. King Rodrigo, na asawa na ngayon ng respected veteran actress dahil nabiyuda na ito.

May mga haka-haka na kung may katotohanan mang nagkakamabutihan sina Alden at Winwyn, baka hindi sila umamin dahil sa takot na maging bashing victims sila ng possessive fans.

Kung tunay na nagmamahalan ang dalawang tao, hindi sila matatakot na aminin ang katotohanan, kahit makaapekto pa ito sa kanilang mga career.

Sina Sef Cadayona at Juancho Trivino ang mga napabalitang nakarelasyon noon ni Maine Mendoza pero pinili nilang huwag kumibo at kung bakit, sila lamang ang nakakaalam sa tunay na dahilan.

Maaaring pinrotektahan nila si Maine at ang career nito o puwedeng umiwas na lamang sila para hindi magalit ang fans na hindi ginawa ni Arjo Atayde.

Ang kagitingang ipinamalas ni Arjo ang dahilan kaya ito ang nagwagi sa puso ni Maine, na naghintay lamang ng isang lalaking ipaglalaban siya at hindi matatakot aminin sa publiko ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results