Maricel Soriano, pinagbabawalan si Janella Salvador na magka-love life

by Jojo Gabinete
Apr 30, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

"Hindi ko siya pinapayagan, ayokong masaktan siya again. Huwag muna, huwag muna.

"Meron kasi siyang natutunan dun sa first na nangyari sa kanya, so huwag na muna.

"She’s mending a broken heart."

Ito ang sabi ni Maricel Soriano nang mapag-usapan ang love life ni Janella Salvador sa story conference ng The Heiress.

Continue reading below ↓

Ginanap ang storycon ngayong Martes ng hapon, April 30, sa Regal Entertainment, Inc. office sa Valencia, Quezon City.

"Natuto na ako," reaksiyon naman ni Janella habang nakikinig sa payo sa kanya ni Maricel.

Ayon pa kay Maricel, "Lahat ng nakasama ko na mga bagets, they’re very nice.

"I’m very lucky. Wala akong naging problema.

"Mabait yung bata [Janella]."

Dagdag niya, "Gustung-gusto kong i-guide yung mga artista na nagpapa-guide.

"Merong hindi, yun ang gusto kong batukan.

"Alam mo ako, may pasensiya, mahaba. Nanay ako, e, kaya mahaba ang pasensiya ko.

"Kinakausap ko sila, hindi ako basta-basta nagagalit."

Gaya ni Janella, excited na si Maricel sa nalalapit na pagsisimula ng shooting ng kanilang pelikula, na kapwa nila inaasahang makakasali sa Metro Manila Film Festival 2019.

Mambabarang ang role ni Maricel sa The Heiress, at ipapasa nito ang kanyang kaalaman kay Janella na gaganap bilang pamangkin niya.

Sabi ni Maricel, "Ako ang mambabarang. Gusto ko yung role ko.

Continue reading below ↓

"I love my role kasi iba naman.

"Dati ako ang tinatakot, ngayon ako ang nananakot."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results