Ai-Ai delas Alas, sunud-sunod ang ginagawang pelikula

by Jojo Gabinete
May 1, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Sunod-sunod ang mga pelikulang ginagawa ni Ai-Ai delas Alas.

Mapapanood na sa mga sinehan sa May 8 ang Sons of Nanay Sabel ng Viva Films.

May special participation siya sa Kiko En Lala, ang launching movie ni Tekla sa GMA Pictures.

Nagsimula na rin ang shooting niya para sa And Ai Thank You ng Horseshoe Productions na tungkol sa buhay-artista ang kuwento.

Continue reading below ↓

Hindi nagdalawang-isip si Ai-Ai na suportahan si Tekla sa Kiko En Lala dahil naniniwala siya sa good deed na pay it forward.

Nakatanggap din siya ng suporta mula sa mga established star noong nag-uumpisa pa lamang ang kanyang showbiz career.

Incidentally, lubos ang pasasalamat ni Ai-Ai kay Anne Curtis dahil sa pagpayag nitong magkaroon ng special guesting bilang wedding singer sa Sons of Nanay Sabel.

"Ako ang nakipag-usap kay Anne at isang sabi ko lang sa kanya, pumayag agad siya.

"Mabait talaga si Anne," kuwento ni Ai-Ai, na gumanap na adoptive mother ni Anne sa Dyesebel, ang 2014 primetime television series ng ABS-CBN.

Ang Comedy Queen na si Ai-Ai ang bagong celebrity ambassador ng Siomai King.

Naganap ngayong tanghali, May 1, ang kanyang contract signing sa AiSian Fusion, ang restaurant na pag-aari niya sa 4th level ng Ayala Malls Cloverleaf sa Balintawak, Quezon City.

Continue reading below ↓

Bukod sa pagiging celebrity ambassador, franchisee si A-iAi ng Siomai King kaya nagpapasalamat siya sa owner na si Jonathan So dahil sa pagtitiwala nito sa kanyang kakayahan bilang endorser.

Pinasalamatan din ni Ai-Ai ang Panginoong Diyos dahil sa mga biyaya na natatanggap niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results