Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Maricel Soriano, gustong ibarang ang mga bastos at sinungaling

by Jojo Gabinete
May 1, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

Natuwa si Maricel Soriano nang malaman nitong marami ang naka-appreciate sa kanyang acceptance speech nang tanggapin niya ang Dolphy Memorial Award mula sa magkapatid na Eric at Epy Quizon sa 67th FAMAS na ginanap sa Meralco Theater noong Linggo, April 29.

"Nahulog ako sa silya, yung kalahati lang,” kuwento ni Maricel nang unang ibalita sa kanyang siya ang recipient ng Dolphy Memorial Award.

Continue reading below ↓

"Ako ba? Bakit ako? Nagulat ako kasi hindi ko ma-imagine na ako. Siyempre, napa-flashback ako.

"Pinipilit kong magbasa [ng acceptance speech] nang walang masyadong emosyon kasi maiiyak ako doon,” sabi ni Maricel.

Nagiging emosyonal ang Diamond Star kapag ang kanyang Daddy Dolphy ang topic.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakausap ng Cabinet Files si Maricel sa story conference ng The Heiress sa Quezon City office ng Regal Entertainment, Inc. kahapon, April 30.

Isang horror movie ang The Heiress at mambabarang ang karakter na gagampanan ni Maricel.

Kung totoo man ang barang, ang mga taong bastos at sinungaling ang gusto ni Maricel na ibarang niya.

"Ang mga tipo ng taong bastos, mga taong sinungaling, kapatid ng magnanakaw ‘yan, di ba?

"‘Yan ang mga tao na dapat binabarang," prangkang pahayag ng Diamond Star.

Trivia: Noong 1992, si Maricel ang lead actress ng Ikaw Pa Lang Ang Minahal, ang pelikula ng Reyna Films na pinagbidahan nila ni Richard Gomez.

Continue reading below ↓

Ang Ikaw Pa Lang Ang Minahal ang Tagalog adaptation ng 1949 American movie na The Heiress.

Ngayong 2019, The Heiress ang pamagat ng pelikula ni Maricel sa.

Pero horror at hindi drama ang movie project na tinatampukan nila nina Carmina Villarroel at Janella Salvador.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results