Vice Ganda at Ion Perez, magkasama sa Amerika

by Jojo Gabinete
May 2, 2019
PHOTO/S: Anna Puno Instagram

"A picture is worth a thousand words."

Pero hindi sa litrato ng rumored lovers na sina Vice Ganda at It’s Showtime Kuya Escort Ion Perez, na magkasama ngayon sa U.S. para sa concert tour ng TV host-comedian.

Sa biglang tingin, parang holding hands sina Vice at Ion sa litrato nila na kuha sa Tom Bradley International Terminal sa Los Angeles, California, ngayong araw, May 2 (May 1, California time).

Pero kapag sinuring mabuti, ang kamay ni Ion ang magkadikit dahil nakapatong sa hita ni Vice ang mga kamay nito sa litratong inilabas sa Instagram ng concert producer na si Anna Puno.

Continue reading below ↓

Hindi nakalagay ang pangalan ni Ion sa mga publicity ng Ang Fantastic Concert ng Vaklang Twooh sa Chumash Casino sa Sta. Ynez, California sa May 3, at sa Pechanga Casino, Temecula, California sa May 5.

Kaya hindi malinaw kung magkakaroon siya ng special participation sa mga U.S. show ni Vice, tulad ng guesting niya noong March 2018 sa Guam concert ng komedyante.

Matagal nang isyung may relasyon sina Vice at Ion, pero walang direktang pag-amin mula sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Anna Puno Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results