Relasyong Edgar Allan Guzman-Shaira Diaz, palaisipan pa rin sa showbiz writers

IMAGE EA Guzman Instagram


Muling nalito ang mga supporter ni Edgar Allan Guzman na naniwala sa kanyang paulit-ulit na statement na hiwalay na sila ng girlfriend niyang si Shaira Diaz.

May dahilan para malito ang fans ni Edgar Allan dahil sa kanyang birthday message para kay Shaira na nagdiwang ng 24th birthday, kahapon, May 3.

Ang kissing videos nila ni Shaira na kuha sa kanilang U.S. trip ang inilabas ni Edgar Allan sa Instagram account nito na nilagyan niya ng caption na “Miss kita araw araw. Mahal kita habang buhay.HAPPY BIRTHDAY Shaira Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“(P.S : Eto nga pala yung kantang sinulat ko para sa’yo.. with the help of my good friend @nyoyvolante, napaganda niya lalo yung kanta.. sana magustuhan mo).”

Mabilis ang sagot ni Shaira na “Waaaaahhhh!!! Nagpa-panic ako!!! Teka!! Salamat dito!!! Thank you love! Mahal kita sobra.”

Ang palitan ng mga mensahe nina Edgar Allan at Shaira ang matibay na ebidensya na matatag na matatag ang kanilang relasyon na mismong sila ang kumontra dahil sa mga pahayag nila noon sa entertainment writers.

Mabuting tao ang pagkakakilala ng lahat kay Edgar Allan kaya nakapanghihinayang kung mababahiran ng mga pagdududa ang kanyang kredibilidad dahil sa mga denial niya noon tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Shaira.

Hindi masisisi ni Edgar Allan ang entertainment writers na disappointed at pinaglaruan ang pakiramdam dahil pinagtiwalaan at pinaniwalaan nila ang sincerity at honesty niya.

Sa susunod na mag-deny si Edgar tungkol sa ibang mga isyu, baka wala nang maniwala sa kanya, kahit totoo na ang mga sinasabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Remember the fable about the boy who cried wolf?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN