Thanksgiving party para kina Pepe at Pilar, isinabay sa 62nd birthday celebration ni Mar Roxas

by Jojo Gabinete
May 5, 2019

Thanksgiving at early birthday celebration ang imbitasyon ng mag-asawang Korina Sanchez at former Senator Mar Roxas sa entertainment press.

Pasasalamat dahil isinilang at lumalaki na malulusog ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar.

Pagdiriwang dahil sa 62nd birthday ni Mar sa May 13, 2019 na pumatak sa araw ng midterm polls.

Continue reading below ↓

After 25-years, muling naranasan ni Mar na maging ama dahil sa pagdating nina Pepe at Pilar sa buhay nila ni Korina.

Twenty five-years old na si Paolo Gerardo, ang anak ni Mar sa former beauty queen na si Maricar Zaldarriaga.

Nakilala na ni Paolo ang kanyang mga kapatid sa ama dahil kasama siya ni Mar nang bisitahin nila sina Pepe at Pilar sa Amerika noong March 25, 2019.

Ayon kay Korina, espesyal na araw nang makilala ni Paolo sa unang pagkakataon ang mga kapatid niya.

Si Mar naman ang nagturo kay Paolo na wastong pagkarga kina Pepe at Pilar.

Mula nang isilang ang kambal, hindi lumilipas ang araw na walang post si Korina sa social media accounts nito tungkol sa kanilang mga anak na “happy pill” nila ni Mar.

Judging from her posts, umiikot ang mundo nina Mar at Korina kina Pepe at Pilar at ang dalawa ang kanilang mga inspirasyon.

Continue reading below ↓

Ngayong handa na sina Korina at Mar na ipakilala sa entertainment press ang kanilang kambal na anak, handa na ba kayo?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results