GMA News anchors, naghahanda na para sa Eleksyon 2019

IMAGE GMA News Facebook


Dalawang linggong sumailalim sa seminar at pagsasanay ang production at technical staff ng GMA Network bilang paghahanda sa live coverage nila sa Eleksyon 2019 na magaganap sa Lunes, May 13.

Kasama sa training ang wastong paggamit sa mga bago at state-of-the-art equipment na binili ng GMA Network management sa tumataginting na presyo na P63 million para sa kapakanan ng Kapuso viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming natutunan ang production at technical staff ng GMA-7 mula sa mga American, Croatian, at German national na nagsanay sa kanila sa paggamit ng red spy, isang klase ng camera tracking device at tower camera na nagkakahalaga ng P11 million.

Nagsimula na ang dry run ng GMA News anchors sa Studio 5 ng GMA Network Inc. para sa live coverage nila sa Eleksyon 2019.

Nauna nang mag-rehearse sina Jessica Soho, Atom Araullo, Rhea Santos, Vicky Morales, at Ivan Mayrina.

Sina Rico Gutierrez at Joel San Luis ang mga director ng Eleksyon 2019.

Si San Luis ang direktor ng 24 Oras at ng State of the Nation ng GMA News TV.

Hanggang sa Linggo, May 12, mula 9 A.M. hanggang 9 P.M., ang dry run para sa live coverage ng Kapuso Network sa halalan na mapapanood mula May 13, 4:30 A.M., hanggang kinabukasan, May 14, sa ganap na 10 A.M.

Hindi pa puwedeng kunan ng litrato ang Studio 5 dahil sa Lunes pa ang unveiling ng brand-new 360-degree news set na may dalawang Barco video walls, LED floor, LED video wall, at siyam na LFD o large format display monitors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN