Mariel Padilla, nasorpresa sa pagbubuntis niyang muli

IMAGE Screen grab from It's Showtime

Emosyonal si Mariel Rodriguez-Padilla sa Mother's Day presentation ngayong tanghali ng It's Showtime dahil sa kanyang rebelasyong buntis siya sa second child nila ni Robin Padilla.

Teary-eyed si Mariel, pero bakas sa mukha nito ang kaligayahan nang sabihin nitong "sorpresang-sorpresa" sila ni Robin nang malaman nilang buntis siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang taon, sinabi ni Robin sa isang interbyu na ayaw na niyang madagdagan pa ang anak nila ni Mariel dahil hirap ito sa pagbubuntis.

Ayon kay Robin, hindi katulad si Mariel ng ibang babae na mabilis ang recovery matapos magsilang ng anak dahil nagkakaroon ng health problems ang kanyang asawa.

Naranasan ni Mariel na makunan nang dalawang beses bago niya isinilang noong November 14, 2016 ang panganay nila ni Robin na si Isabella.

Special guests sa Mother's Day presentation ng It's Showtime ang lolo at lola ni Mariel, na excited dahil sa muling pagbubuntis ng kanilang apo.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN