Mike Enriquez, diretsahan ang tirada sa resulta ng Eleksyon 2019

by Jojo Gabinete
May 14, 2019
PHOTO/S: 24 Oras

Hindi kandidato ang beteranong broadcast journalist na si Mike Enriquez, pero waging-wagi ang kanyang mga opinyon tungkol sa mga nanalong kandidato ng Eleksyon 2019 sa live coverage ng GMA-7.

Tuwang-tuwa ang maraming kababayan natin kay Mike dahil ito ang naging boses nila.

Nasabi raw ng seasoned and respected broadcast journalist sa national television ang kanilang mga sentimyento.

Continue reading below ↓

"Kalaunan, wala pa rin tunay at malalimang pagbabago at reporma tayong maaasahan. Same-same, sabi nga,” ang walang prenong pahayag ni Mike tungkol sa resulta ng eleksyon.

Gustung-gusto rin ng mga Pilipino ang sinabi ni Mike na hindi dapat mauwi sa wala ang boto ng mga Pilipino.

"Lahat ng mga nanalo, [sana] mainterbyu natin.

“Lahat ‘yan nangako e.

"Kung kalahati lang sa pangako ng mga kandidato ay magkatotoo—kalahati lang, hindi siyento por siyento—aba, e, napakagandang lugar nitong Pilipinas.

"Ngayon pa lang, magkaalaman na para habang umuusad ang kanilang termino, matse-check natin yung mga ginagawa nila versus yung ipinangako nila.

"Ganoon lang kasimple yun."

Continue reading below ↓

Panalong-panalo rin ang comprehensive live coverage ng GMA-7 sa Eleksyon 2019 dahil isinakripisyo ng Kapuso management ang lahat ng kanilang mga teleserye at ibang mga programa para maihatid sa Sambayanang Pilipino ang mga pangyayari tungkol sa naganap na eleksyon.

Halos 30 oras ang inilaan ng GMA-7 sa maghapon at magdamag na live coverage nila sa Eleksyon 2019, bilang pagtupad sa kanilang pangakong kasama sila ng taumbayan mula botohan, bilangan, hanggang sa proklamasyon ng tagumpay.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results