Megan Young at Mikael Daez, secretly married na nga ba?

IMAGE Jojo Gabinete


Kung ang nanay ni Megan Young na si Mrs. Victoria Young ang masusunod, gustung-gusto na nito na magpakasal na kay Mikael Daez ang 29-year-old former Miss World para magkaroon na siya ng apo, pero ayaw pa raw ng anak niya.

Nakausap ng Cabinet Files ang ginang sa presscon ng Empire Exclusives world class workshop series, na naganap nitong hapon, May 14, sa Empire Studios sa Uptown Mall, Taguig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa kagustuhan na mabigyan siya ni Megan ng apo, nagpapasalamat si Mrs. Young dahil lumaking mababait ang kanyang tatlong anak.

Ikinuwento ni Mrs. Young na si Megan ang tumatayong nanay sa pamilya nila dahil istrikto ang kanyang panganay na anak.

Sa parte ni Megan, napangiti siya nang malaman ang pinapangarap na apo ng nanay niya.

"Gusto niya na magka-apo na. Sabi ko, huwag na muna,” ang reaksyon ni Megan.

Pinabulaanan din ng actress-TV host ang tsismis na secretly-married na sila ni Mikael sa ibang bansa.

"No we’re not married. You’ll just find out one day if we’re married. Ganoon na lang, alam niyo naman kami, quiet lang kami.

"No ideal age. If it happens, when I’ m married, then it happens. Definitely not this year, maybe in the next couple of years."

Walong taon na ang relasyon nina Megan, 29, at Mikael, 31, pero wala raw silang timeline kung kailan sila magpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mahalaga ay sigurado raw sila sa isa't isa. 

"We talk about it a lot, but as of now, it’s not in our plans yet.

"You’ll never know, we’re very spontaneous.

"Mikael naman is my forever," ang sabi ni Megan.

[instagram:https://www.instagram.com/p/Bwo7p0DAXc8/]

Postscript. Si Megan ang mentor sa Personality Development and Public Speaking, ang una sa highly anticipated 7-month world class workshop series ng Empire Exclusives, na magsisimula sa May 25, 2019.

Ibabahagi ni Megan sa mga interested student ang kanyang mga kaalaman tungkol sa personality development at public speaking dahil naniniwala siyang importante ang pagkakaroon ng self-confidence.

"Personality development is finding your inner self. Knowing yourself more, your strength, your weaknesses, how you can use that to your advantage, how do you apply that to your everyday job." 

Makakatulong din daw ito sa "stress management," paliwanag ni Megan tungkol sa bagong career niya bilang mentor at motivational speaker.

Available online ang tickets sa workshop series na pangungunahan ni Megan, o kaya naman ay maaaring bumili sa Empire Studios, na matatagpuan sa second floor, Uptown Mall, BGC. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN