Matteo Guidicelli, magsisimula na ang 45-day training sa Philippine Army

by Jojo Gabinete
May 15, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang grand launch sa May 24 sa The Music Hall sa Metrowalk ng "Sundo," ang unang single niya sa Viva Records, ang isa sa mga huling showbiz commitment ni Matteo Guidicelli bago magsimula sa May 27 ang kanyang training sa Philippine Army.

Forty-five days mawawala sa sirkulasyon si Matteo dahil hanggang July 1 ang pananatili niya sa isang kampo sa Southern Luzon.

Continue reading below ↓

"This will be the biggest race of my life, this will be the biggest challenge of my life.

"I've been trying to prepare myself physically but, mentally, I don't have military background.

"I don't know what I'm gonna go through. This will be something very new and challenging.

"I'm ready to be bullied, kumbaga. I'm ready so we'll see!" natatawa at excited na sabi ni Matteo tungkol sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang training sa Philippine Army.

MATTEO GUIDICELLI WITH PRESIDENT RODRIGO DUTERTE

Last month, nagkaroon ng pagkakataon si Matteo na makaharap nang personal si President Rodrigo Duterte para sa isang photo opportunity, na humantong sa halos kalahating oras na pag-uusap dahil na-delay ang pagdating ng helicopter na susundo sa Pangulo.

Kuwento ni Matteo, "He's the second person I got starstruck with.

"First was Martin Nievera, second was President Rodrigo Duterte.

"Actually, it was just supposed to be a photo op and then he was about to leave, the chopper didn't arrive so he invited me to sit down.

Continue reading below ↓

"We sat down for about thirty minutes. We spoke about the project with the Army.

"When I told him about my project, he was very interested. He wished me luck.

"It was nice to get his approval of what I'm going to be doing so it's an added inspiration also."

Nang i-post ni Matteo ang litrato nila ni Pangulong Duterte sa Instagram account niya, nakatikim siya ng mga batikos.

Pero tanggap niyang hindi aayon ang lahat sa kanya.

"I was bashed," sabi ni Matteo.

"The first night when I posted, it was okay. The next day, I was bashed.

"You know, you can't please everybody.

"At the end of the day, he's the commander in chief. He's the President.

"Whatever you do, whether you like him or not, you gotta do what is right for the country."

MATTEO GUIDICELLI HAPPY FOR VICO SOTTO

Incidentally, masaya si Matteo sa tagumpay ni Vico Sotto, ang bagong halal na alkalde ng Pasig City dahil magkaklase sila noon ng anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.

Continue reading below ↓

"He's my classmate. Nagulat nga ako, I'm very happy for him," pahayag ni Matteo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results