Filipino-Italian actor Marco Grazzini, bida sa Netflix movie Good Sam

by Jojo Gabinete
May 23, 2019
PHOTO/S: Instagram

Ang feel-good American drama movie na Good Sam ang isa sa latest offering ng Netflix.

Mga bida rito sina Tiya Sircar, Chad Connell, at Marco Grazzini.

Tungkol ito sa television news reporter (Tiya Sircar) na may assignment na alamin ang identity ng mystery guy na namigay ng US$100,000 sa mga taong nangangailangan ng financial help at may mga ambisyon na nais matupad.

View this post on Instagram

S'more pics from the #GoodSam screening the other night. Great seeing everyone again ??????

A post shared by Marco Grazzini (@themarcograzzini) on

Binansagang Good Sam ang misteryosong lalaki dahil sa kanyang good deeds na naging inspirasyon ng mga taong natulungan niya para tumulong sa kapwa.

Fund manager na may pangarap na maging congressman ang role ni Marco Grazzini.

Pamilyar sa mga Pinoy ang pangalan at mukha ni Marco dahil siya ang winner ng Mossimo Bikini Summit noong April 2004.

Ang ex-husband ni Aiko Melendez na si Martin Jickain at ang singer na si Mike Solomon—bago pa nito pinalitan ang spelling ng kanyang pangalan from Mike to Myke—ang dalawa sa mga nakalaban ni Marco sa Mossimo Bikini Summit, fifteen years ago.

Continue reading below ↓

Mike Salomon, Marco Grazzini, and Martin Jickain

Half-Italian half- Filipino si Marco dahil sa kanyang Filipina mother na may maiden name na Maniego.

Isinilang at lumaki si Marco sa Toronto, Canada, pero umuwi siya ng Pilipinas noong 2004 para subukan ang kapalaran niya sa modelling at acting.

Hindi nabigo si Marco dahil siya ang itinanghal na male winner ng Mossimo Bikini Contest na ginanap sa Boracay.

Continue reading below ↓

Fluent si Marco sa pagsasalita ng French, Italian, Spanish, at American language.

Pero sa isang interbyu, sinabi niyang 75% ng Filipino language ang kanyang naiintindihan.

Napansin si Marco sa local toothpaste television commercial na unang project niya nang umuwi siya sa Pilipinas.

Nagkaroon si Marco ng mga modelling assignment, pero hindi siya nagtagumpay ma-penetrate ang Philippine entertainment industry.

Hindi niya ito dapat pagsisihan dahil mas malaki pala ang oportunidad na naghihintay sa kanya sa Hollywood.

Ang mga television series na Nikita at The Flash ang ilan sa mga Hollywood project ni Marco bago siya nabigyan ng malaking break sa Good Sam.

Postscript: Kahit isinilang at lumaki sa ibang bansa, Pinoy na Pinoy ang ugali ni Marco.

Makikita sa mga litrato sa Instagram account ni Marco ang mga litrato nila ng kanyang ina at grandmother na tinatawag niya ng "lola."

View this post on Instagram

So I gave my mom one of those #instagirls photoshoot... ????????????

A post shared by Marco Grazzini (@themarcograzzini) on

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results