Gladys Reyes, ibinahagi ang first impression kay Pasig Mayor-elect Vico Sotto

by Jojo Gabinete
May 27, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Gladys Reyes

Magsisimula sa June 2019 ang bagong season ng MOMents, ang 10-year-old celebrity talk show ni Gladys Reyes sa Net25.

Para sa season opener ng MOMents, si Coney Reyes at ang anak nito, ang bagong halal na mayor ng Pasig City na si Vico Sotto, ang mga special guest ni Gladys.

Touched na touched si Gladys dahil pinagbigyan agad ng mag-ina ang kanyang imbitasyon.

Sa mga hindi nakakaalam, hindi lamang host ng MOMents si Gladys dahil siya rin ang talent coordinator at creative head ng programa.

Kuwento ni Gladys, “Ako ang nag-invite sa kanila.

"Una si Tita Coney ang pinadalhan ko ng message at nag-reply siya agad.

“Since bata pa ako, ka-work ko na si Tita Coney sa Coney Reyes on Camera.

"Nakaka-touch nga dahil sa MOMents ang first sit-down interview nila."

Hindi itinatanggi ni Gladys ang pagiging Jack of All Trades dahil tumutulong siya sa pag-iimbita ng mga bisita.

Continue reading below ↓

"Alam mo naman, ako very hands on sa MOMents, lalo na kapag gusto ko at personal na kakilala ko ang mga iimbitahan na bisita.

"Ako mismo ang nagta-talent coordinator," dagdag na pahayag ni Gladys.

Hot copy ngayon si Vico dahil nagawa nitong talunin sa mayoral race noong midterm polls ang incumbent mayor kaya itinanong namin kay Gladys ang impression nito sa anak nina Coney at Vic Sotto.

Polite, gentleman, at shy pero very articulate ang first impression ko kay Mayor Vico.

"Saka gusto talaga niya ang kanyang mga ginagawa.

"Ang sabi nga ni Tita Coney sa akin, si Mayor Vico black is black, white is white.

"Kapag hindi siya sang-ayon sa mga sinasabi ng iba, sasabihin niya in a very polite manner dahil pinaninindigan niya kung ano ang kanyang mga pinaniniwalaan.”

View this post on Instagram

Taping with the Millenial Mayor of Pasig, Mayor @vicosotto..soon on Moments!! #momentsnet25 #MayorVicoSotto

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes) on

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Gladys Reyes
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results