Aktor, nagrereklamo sa kawalan ng time sa kanya ng girlfriend

by Jojo Gabinete
May 27, 2019

Nagrereklamo ang aktor dahil wala na silang oras para sa isa’t isa ng kanyang actress–girlfriend, na busy sa tapings ng pinagbibidahang television series at sa shooting ng pelikula na ginagawa niya.

Dahil nabubugnot na ang aktor sa kawalan ng panahon ng kanyang girlfriend, nagbitaw siya ng salita na: "Buntisin ko na lang kaya siya?"

Hindi maingat sa pagsasalita ang aktor na may tactless image kaya marami ang nakarinig sa sinabi niya.

Inililihim ng aktor at ng aktres ang relasyon nila, pero alam ito ng mga tao na malalapit sa kanila.

Kung ang dalawa ang masusunod, gustung-gusto na nilang aminin sa publiko ang kanilang pagmamahalan.

Pero pinagbabawalan sila dahil may ibang aktor na kapareha ang aktres.

Higit sa lahat, mas marami ang hindi boto sa relasyon ng aktor at ng aktres.

Sa umpisa pa lang, marami na ang tutol kaya palihim ang kanilang mga pagkikita at you and me against the world ang love story nila.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results