Louise delos Reyes, ipinagluluksa ang pagkamatay ng ina

by Jojo Gabinete
May 28, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Ipinagluluksa ni Louise delos Reyes ang kanyang 68-year-old mother na si Elvira Perido, na sumakabilang-buhay noong May 4, 2019 dahil sa kidney failure.

Nang huling makausap si Louise ng Cabinet Files sa story conference ng Sanggano, Sanggago at Sanggwapo noong March 2019, ang personal na pag-aasikaso sa kanyang inang maysakit ang naikuwento niya.

Two months later, nangyari ang kinatatakutan ni Louise—ang pagpanaw ng nanay niya.

"Kakauwi ko lang ng bahay nang mawala si Mama. Nakipagkita lang ako sa Tagaytay sa mga kaibigan ko.

"Yung room kasi niya, pagpasok ng bahay, makikita na agad. Hindi na namin isinasara para naririnig namin siya ng mga kapatid ko kapag may kailangan si Mama.

"Paglapit ko sa kanya, hindi siya umimik. Usually, she wakes up kahit konting kaluskos lang.

"Nang hawakan ko si Mama, hindi na siya humihinga.

"I called my brother and asked kung may pulse pa si Mama because I was so afraid na malaman na patay na siya," malungkot na kuwento ni Louise nang madiskubre nitong wala nang buhay ang kanyang ina.

Continue reading below ↓

Patuloy niya, "Si Mama, strict siya, at same time, lenient.

"Parang hindi niya napipigilan na sundin kung ano ang mga nakakapagpasaya sa akin.

"She taught me how to love unconditionally, she taught me how to care for our family.

"Hindi kami yung direkta na nagsasabi sa isa’t isa na ganito, ganyan, but I learned from her based on our experiences."

Nang mawala ang kanyang ina, nagkaroon si Louise ng mga realization tungkol sa kamatayan dahil magkasunod na taon nang mamatay ang mga magulang niya.

"Death, no matter how you fight it, darating at darating siya.

"Wala pang isang taon since my dad passed away kaya fresh pa rin ang lahat, and now another death na naman.

"You just have to be strong and pray that everything will be okay."

May mga ibinilin ba sa iyo ang nanay mo bago siya binawian ng buhay?

Sagot ni Louise, "Wala siyang bilin sa akin, pero sa boyfriend ko meron.

Continue reading below ↓

"Ibinilin niya sa boyfriend ko na alagaan at mahalin ako."

Sinabi ni Louise na cliché man, subsob siya sa trabaho para mabawasan ang lungkot na nararamdaman dahil sa pagpanaw ng kanyang ina.

"Isinusubsob ko na lang ang sarili ko sa mga work.

"I am so blessed that Viva gave me a lot of projects after my mom’s passing kaya yun ang isa sa mga nakakatulong sa akin to cope up."

Read Next
Read More Stories About
louise delos reyes
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results