Former Miss World, ni-rape ilang linggo bago siya koronahan

by Jojo Gabinete
May 29, 2019

Hindi si Miss USA 2015 Olivia Jordan ang unang beauty queen na biktima ng rape.

Nakaranas din ng pang-aabuso si Miss World 1998 Linor Abargil ng Israel.

Biktima ng panggagahasa si Linor, pitong linggo bago siya kinoronahang Miss World noong November 26, 1998.

Batchmate ni Linor si Rachel Soriano ng Pilipinas sa 48th edition ng Miss World na idinaos sa Mahe Island, Seychelles.

Ang travel agent ni Linor na si Uri Shlomo Nur ang gumahasa sa kanya sa Milan, Italy, noong 18 years old pa lamang siya.

Thirty-nine years old na ngayon si Linor, isa nang lawyer at global advocate ng fight against sexual violence.

Walong taon pa lamang si Miss World 2013 Megan Young nang manalo na Miss World si Linor.

Walang idea si Megan tungkol sa horrible experience ng kapwa niya beauty queen kaya nag-suggest kami sa kanyang panoorin sa Netflix ang 2013 documentary movie tungkol sa journey ni Linor, ang Brave Miss World.

Sinabi ni Megan na panonoorin niya ang documentary movie na tiyak na kapupulutan ng aral.

Continue reading below ↓

Mapapanood sa Brave Miss World ang confused reaction ni Abargil nang manalo itong Miss World.

Mababakas sa mukha ni Linor na mas nanaig ang lungkot kesa ligaya dahil sariwang-sariwa pa sa isip niya ang panghahalay na ginawa sa kanya ni Uri Shlomo Nur.

May Filipina beauty queen na biktima rin ng rape, pero hindi pa handang ibahagi sa publiko ang karanasan niya na nangyari noong high school student pa lamang siya.

Matagal bago naka-recover ang Pinay beauty queen mula sa trauma na epekto ng pang-aabuso sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results