Breakup ng aktor at aktres, nakaapekto sa ginagawa nilang pelikula

by Jojo Gabinete
May 30, 2019

Problemado ang staff ng isang production outfit dahil nadadamay ang trabaho nila sa isyu ng paghihiwalay ng aktor at aktres, na mga bida sa pelikula na kanilang ginagawa.

Nagrereklamo ang production staff dahil apektado na ang trabaho nila ng real-life drama ng ex-lovers kaya natatagalan ang shooting ng pelikula.

Naranasan ng production staff na isang sequence lang ang nakunan sa buong maghapon dahil iniiwasan ng aktor at aktres ang isa’t isa.

Para mapapayag ang dalawang gawin ang mga eksena, kailangang suyuin at kausapin sila nang masinsinan, kahit obligasyon nilang magtrabaho nang maayos dahil sa kontrata na kanilang pinirmahan.

Dismayado na ang production staff sa mga nangyayari sa set ng pelikula dahil imbes na maging professional, pinaiiral ng aktor at ng aktres ang pagiging emosyunal.

Hindi masabi ng production staff kung kailan matatapos ang kanilang mga pagdurusa, pero hindi na nila itinatago ang pagkairita dahil hindi makatarungang nadadamay sila sa paghihiwalay at pag-iiwasan ng aktor at ng aktres.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results