James Reid, nag-back out sa Pedro Penduko

by Jojo Gabinete
Jun 1, 2019
Kapamilya actress Loisa Andalio says she learned countless lessons after private video controversy. "Lahat ng nangyayari dapat may lesson kasi kung walang lesson, wala lang yon."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi na matutuloy ang pagbibida ni James Reid sa Pedro Penduko dahil sa kanyang spinal injuries.

Sa halip, ang remake ng hit Korean movie na Spellbound ang pelikulang gagawin niya kung saan makakatambal niya ang girlfriend na si Nadine Lustre.

Sa pamamagitan ng isang official statement, kinumpirma ng Viva Films management na tinanggap nila ang desisyon ni James na talikuran ang pagganap bilang Pedro Penduko, ang folk hero na nilikha ni National Artist for Visual Arts Francisco Coching.

Narito ang statement ng Viva Films:

“Viva Films regretfully announces that it has accepted the withdrawal of James Reid from the movie Pedro Penduko for medical reasons.

"James has spinal injuries and the film Pedro Penduko involves intensive training and major stunts.

"His regular therapy and treatment prohibits him to train hard or perform for the rigid requirements.

"James has spent over a year training and getting ready for this film and Viva truly appreciates his dedication and commitment to this project.

Continue reading below ↓

"Viva respects James decision and wishes him a speedy recovery.

"In the works is a reunion movie with Nadine Lustre.

"It will be a remake of the hit Korean movie, Spellbound."

Isang horror-romantic-comedy film ang Spellbound na may English title na My Girlfriend Can See Ghosts.

Pinagbidahan ito noong 2011 ng Korean actors na sina Son Ye-jin at Lee Min-Ki.

Continue reading below ↓

Tungkol sa isang street magician na may girlfriend na nakakakita ng mga multo ang kuwento ng Spellbound, na certified blockbuster nang ipalabas sa mga sinehan sa South Korea noong December 2011 at may box office gross na US$18.8 million.

Ang Spellbound ang reunion movie nina James at Nadine pagkatapos ng Never Not Love You (2018).

Kung hindi nag-back out si James sa Pedro Penduko, magkasama pa rin sana sila ni Nadine sa nasabing project dahil ang girlfriend niya ang gaganap na Maria Makiling.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Loisa Andalio says she learned countless lessons after private video controversy. "Lahat ng nangyayari dapat may lesson kasi kung walang lesson, wala lang yon."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results