Willie Revillame, "nag-guest" sa It's Showtime ng ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Jun 3, 2019

Pagkalipas ng siyam na taon, muling narinig ang boses ni Willie Revillame sa ABS-CBN.

Nangyari ito sa June 3 episode ng It’s Showtime, ang noontime show na ipinalit sa dating programa ni Willie na Wowowee sa Kapamilya Network.

Ang "Tawag ng Tanghalan" hurado na si Ogie Alcasid ang gumawa ng paraan upang makausap ng It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Mariel Rodriguez si Willie nang live via phonepatch.

Sa pambubuyo ni Vice , tinawagan ni Ogie si Willie sa cell phone nito.

Gusto kasi ng "Tawag ng Tanghalan" contestant mula sa Iligan City na si Clyde Borongan, na nagdiriwang din ng kanyang kaarawan, na mabigyan siya ng drone para sa kanyang anak na lalaki.

"Vice, Ogie, ipaalaala mo lang na dati kong timeslot ‘yan na kinuha niyo," ang nagbibiro at pambungad na salita ni Willie.

Pumayag din ang Kapuso TV host na ibili ng drone si Borongan, na idineklarang daily winner ng "Tawag ng Tanghalan."

Continue reading below ↓

Vice Ganda with Tawag ng Tanghalan contestant Clyde Borongan

"Puwede ba akong mag-guest diyan?” tanong ni Willie.

Sagot ni Vice, "Ay, oo, Kuya Will! Ngayon din, halika na!"

Sabi ni Willie, "Hahahaha, huwag! Baka matanggal na naman ako.

"Lagi na lang akong natatanggal sa istasyon. Baka matanggal na naman ako."

Continue reading below ↓

"Huwg kang mag-alala, bago ka matanggal, kami muna!" sagot ni Vice, na tawang-tawa habang nakikipag-usap kay Willie.

Napag-usapan nina Vice at Mariel si Willie dahil imbes na It’s Showtime, muntik nang sabihin ni Borongan na siya ay nasa Wowowin, ang popular game show ni Willie sa GMA-7.

Sinabihan ni Vice si Borongan na para matupad ang pangarap nitong magkaroon ng drone, manawagan siya kay Willie dahil baka nanonood ito.

Kaya si Ogie ang gumawa ng paraan na makausap via phonepatch ang host ng Wowowin.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results