Zaijian Jaranilla at newbie singer Hannah Magdales, nagkakamabutihan?

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2019

Ang former child actor na si Zaijian Jaranilla ang special guest sa launch ng "Heto Na Naman," ang debut single sa Viva Records ng 16-year-old singer na si Hannah Magdales.

Si Zaijian ang nag-abot kay Hannah ng bouquet of flowers pagkatapos ng performance niya kaya nagkaroon ng haka-haka na baka nagkakamabutihan ang dalawa.

Parehong itinanggi nina Zaijian at Hannah ang akala ng mga dumalo sa single launch.

Sinabi ni Hannah na nagkakilala sila ng 17-year-old actor dahil ito ang napili na leading man niya sa music video ng "Heto Na Naman."

Since then, naging magkaibigan sila ni Zaijian pero hanggang social media at paglalaro ng mobile games ang komunikasyon nila.

"We’re friends. Lalo kaming naging close ni Zaijian at kahit hindi kami nagkikita, we get to play Mobile Legends."

Talented musician si Hannah dahil marunong siya na tumugtog ng gitara, ukulele, violin, piano, at drums.

Ang talent ni Hannah sa pagtugtog at pagkanta ang naging puhunan niya nang sumali siya sa recent World Championships of Performing Arts na ginanap sa California, USA.

Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Hannah na si Jed Madela ang mentor niya sa WCOPA at maraming aral ang kanyang natutunan mula sa seasoned singer.

"Si Kuya Jed po ang nag-coach sa amin. We did workshops with him.

"Sinamahan din niya kami sa US. Nag-stay po kami doon for one month.

"Seventy countries po ang naglaban and sa seventy na yun, tatlo lang ang mananalo.

"I was lucky enough to win kaya sobrang thankful ako," sabi ni Hannah.

Nang tanungin tungkol sa singer na iniidolo niya, ang pangalan ni Sarah Geronimo ang mabilis na sagot ni Hannah.

Ang GMA 7 star namang si Kyline Alcantara ang isa sa mga kaibigan ni Hannah sa industriya dahil matagal na sila na magkakilala.

"Super close po ng family namin ang family ni Kyline.

"Six years old pa lamang kami, magkaibigan na kami.

"After grade school, nag-focus po si Kyline sa showbiz, nag-home school siya.

"Ako po, nag-focus sa regular school."

Continue reading below ↓

Umaasa si Hannah na tatangkilikin ng publiko at magkakaroon ng maraming streams ang "Heto Na Naman" na available sa Spotify, Apple Music, at lahat ng digital music platforms.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results