Reality star turned actor, may kumakalat na private video

by Jojo Gabinete
Jun 11, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Noong 2006, idineklara ng isang male reality show contestant-turned-actor na hindi siya exhibitionist.

Pero 13 years later, iba ang mapapanood sa kanyang leaked private video.

Obviously, ang kausap ng aktor sa Skype ang source ng video na mahirap i-deny dahil malinaw na malinaw at kitang-kita ang kanyang mukha.

One of these days, hindi nakapagtataka kung maging viral ang private video ng aktor na tiyak na pag-uusapan sa una, tulad ng naranasan ng ibang male celebrities na nasangkot sa sex scandal.

Kung magiging marunong ang aktor, puwedeng magamit niya ang nagbabanta na pagkalat ng kanyang private video para muling maging active siya sa telebisyon at pelikula.

Mabait at hindi nasasangkot sa mga kontrobersiya ang aktor kaya tiyak na malulungkot ang kanyang pamilya at mga kaibigan dahil naging video scandal victim siya.

Kung naging maingat ang aktor at hindi niya pinairal ang kamunduhan, nakaiwas sana siya sa kahihiyan.

Pero mahihirapan ang aktor na takasan ang katotohanan dahil sa nakaambang pagkalat ng kanyang private video.

Continue reading below ↓

Kung panghihinaan siya ng loob, gawin na lamang niyang halimbawa at inspirasyon ang ibang mga aktor na may mga video scandal na lumitaw at hinusgahan, pero nalampasan ang mga pagsubok dahil pinairal ang katatagan ng loob.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results