Jay Sonza, hindi updated sa mga balita tungkol kay Eddie Garcia

by Jojo Gabinete
Jun 12, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon / Courtesy: Vivian Velez on Facebook

Misinformed at hindi updated sa balita ang former GMA News anchor na si Jay Sonza dahil, lingid sa kaalaman niya, naglabas na ang GMA Network ng sunud-sunod na official statement mula nang maaksidente ang veteran actor na si Eddie Garcia sa set ng Rosang Agimat noong Sabado, June 8.

Kung naging mapagmasid na mabuti at talagang tinutukan ni Jay ang isyu, malalaman niyang hindi nagkulang ang GMA Network sa paghahatid sa publiko ng mga impormasyon tungkol sa kalagayan ng veteran actor.

Magkakaroon din siya ng realization na may sagot na ang Kapuso network bago pa siya naglabas ngayong umaga ng mga katanungang ipinasasagot niya sa pamunuan ng kompanya na dating pinaglilingkuran niya:

"Did you review your video-assist recordings at the time Eddie Garcia was taping?

"Did you not see that he tripped on the cable and tumbled?

"Did you have standby medical team and ambulance during the taping?

"Who rushed the 90-year-old actor to the nearest medical facilities? Was it your production crew or his fellow cast members?

Continue reading below ↓

"Why haven't you come up with a media release detailing the real score on the incident?

"Why didn't you correct stories circulating that he had a stroke or a heart attack? Haven't you seen the CCTV footage indicating otherwise?

"Akala ko ba serbisyong (balitang) totoo lamang!"

Hindi na kailangan ng mga kasagutan ang mga katanungan ni Jay.

Para sa ikapapanatag ng kalooban ni Jay, naglabas ng official statement ang GMA Network noong June 9 tungkol sa viral video ng pagkakadapa ni Garcia sa chase scene sa Rosang Agimat:

"The video of Mr. Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collapsing has reached GMA.

"We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took before we make any conclusions on what really transpired.

"The statement that was released earlier was given to GMA News by Nick, Mr. Eddie Garcia's stepson.

Continue reading below ↓

"We will wait for the family or their doctor to issue a formal update on his condition.

"Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery."

Noong June 11, muling naglabas ng official statement ang GMA Network tungkol sa imbestigasyon nila sa isyu na walang paramedics at ambulansya sa set ng Rosang Agimat nang maganap ang insidente:

"It has been the Network’s practice to have medical personnel and ambulance crew on standby whenever the production is executing big action scenes during taping.

"This has been likewise the practice of other GMA programs.

"Given this, we are currently investigating the absence of a medical team on the set last Saturday, June 8.

"GMA Network is deeply saddened with what happened to Mr. Eddie Garcia and the management is committed to getting to the bottom of this unfortunate incident."

Bukod sa mga official statement, regular na nagbibigay ang Kapuso management ng mga update tungkol sa sitwasyon ni Eddie sa pamamagitan ng kanilang mga news program sa radyo at telebisyon.

Continue reading below ↓

Kaya hindi valid ang komento ni Jay na "Akala ko ba serbisyong totoo lamang?" dahil naging matapat at parehas ang pamunuan ng GMA Network sa paghahatid ng katotohanan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon / Courtesy: Vivian Velez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results