Alfred Vargas, dinepensahan ang GMA-7 kaugnay ng aksidente ni Eddie Garcia

by Jojo Gabinete
Jun 18, 2019
PHOTO/S: @alfredvargasofficial Instagram

Nang maglabas si Jimmy Bondoc ng unsavory post noong nakaraang buwan tungkol sa diumano’y nalalapit na pagsasara ng ABS-CBN, mabilis na kumilos ang mga empleyado at contract stars ng Kapamilya Network.

Sa pamamagitan ng kanilang mga social media account, buong-puwersang nagbigay ng tribute at nagpasalamat sa ABS-CBN ang mga empleyado at mga artista para sa mga tulong na natatanggap at good memories nila sa kompanya.

Ang full support na ibinigay ng ABS-CBN stars sa kanilang mother studio ang hinahanap namin mula sa mga contract artist ng GMA-7.

Mula nang maaksidente si Eddie Garcia sa set ng Rosang Agimat noong June 8, 2019, naging biktima ang GMA-7 ng matitinding batikos mula sa netizens.

Ito ay sa kabila ng official statement ng Kapuso network na pinaiimbestigahan ng management ang kawalan ng paramedics at ambulansya noong araw na iyon.

Hinarap ng GMA-7 ang responsibilidad at hindi sila nagpapabaya.

Pero nakapagtatakang mabibilang sa daliri ang mga Kapuso star na nagpatotoong may malasakit sa kanila ang mother studio nila.

Continue reading below ↓

Pinili ng ibang mga Kapuso star na manahimik para makaiwas sa mga batikos, 'tulad nang nangyari kay Diana Zubiri na pinatotohanan lang na may paramedics sa set ng Dragon Lady at ng ibang mga teleserye na ginawa niya sa Kapuso Network.

Pinaratangan namang nagpapapansin sa GMA-7 para mabigyan ng project ang character actor na si Dindo Arroyo, na nanindigang mali ang mga theory na nadapa si Eddie dahil napatid ito sa nakakalat na kable sa set.

Hinihintay namin ang ibang mga Kapuso star na magkuwento tungkol sa magagandang karanasan nila sa GMA-7 bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang mother studio na binabatikos nang husto dahil sa Eddie Garcia accident.

Pero tila mas umiral ang mga pansariling interes.

ALFRED PRAYS FOR MANOY EDDIE

Sa kaso ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas, itinuturing niyang Kapuso ang sarili kahit wala siyang regular na teleserye sa GMA Network, dahil ito raw ang nagbigay sa kanya ng malaking break sa telebisyon.

Continue reading below ↓

Naging close sa isa't isa sina Alfred at Eddie nang magkasama sila sa prime-time television show na Darna noong 2009.

"Madami akong natutunan sa kanya," sabi ni Alfred sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.

"Ang sa akin, ipagdasal natin si Tito Eddie.

"Gumawa tayo ng mga aksyon na para hindi na yun mangyari sa kahit saang industriya, kahit saan na network, kahit saan na live events."

Balik-tanaw pa ni Alfred, sa mga pagkakataong gumawa siya ng action scenes sa mga teleserye niya sa GMA-7 ay palaging may naka-standby na medical team.

"Sa experience ko sa GMA since 2005, sa lahat ng mga action scene na ginawa ko, sa mga scene na may danger, palaging may double at palaging may medical team.

"Binigyan nila ako ng Encantadia, puro fight scenes yun.

"Sa Dysebel, mga underwater scene. Okey naman yung mga experience ko.

"Yung mga nadadapa ka, kasama yun sa pagiging artista. Kung minsan, sa mga short fight, kasama yun.

Continue reading below ↓

"Pero generally, yung experience ko with GMA, okey. Saka may malasakit sila."

Dagdag ni Alfred, "Saka kilala ko ang mga big bosses ng GMA, mahal na mahal nila si Tito Eddie."

Postscript: Dahil house representative siya, hiningi namin ang opinyon ni Alfred tungkol sa kontrobersiya ng franchise renewal ng ABS-CBN na hindi inaksyunan ng Kongreso.

"There’s still time to fix it. Sana maayos," ani Alfred, na marahil ay tinutukoy ang pagbubukas ng session ng 18th Congress sa Hulyo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @alfredvargasofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results