Willie Revillame, ipinagmalaki ang kanyang bagong "ride"

by Jojo Gabinete
Jun 19, 2019
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Hindi lamang ang paghahatid ng ligaya at pag-asa ang ibinibigay ni Willie Revillame sa studio audience at televiewers ng Wowowin.

Off-cam, lumilitaw din ang pagiging komedyante niya tulad ng kanyang video na nakapagpapangiti sa manonood.

Sa bihirang pagkakataon, nakatuwaan ni Willie na maglabas ng prank video na kuha sa harap ng Wil Tower Mall.

"May sakit ako, mauna na ako sa inyo, ha?” ang inuubong dialogue ni Willie habang nasa tabi siya ng isang high-end vehicle na nakaparada.

"Walang-wala, e," sabi ni Willie, na mapagkakamalang pasakay sa mamahaling sasakyan.

Pero may twist ang video.

Imbes na sumakay sa kotse, dumiretso si Willie sa isang tricycle na nakaparada sa likod ng sasakyan sabay paalam na, "Mauna na ako sa inyo, pagod na ako, e," habang galak na galak ang mukha ng tricycle driver.

Marami nang insidenteng pinasasaya ni Willie ang production staff ng Wowowin.

Patunay ito na sa kabila ng popularidad at tagumpay na tinatamasa, mababaw lang ang kanyang kaligayahan at nakatuntong pa rin sa lupa ang mga paa niya.

Continue reading below ↓

Ang mga tao sa paligid ni Willie ang nagpapatotoong maligayang-maligaya ito kapag nakikita niya na masaya ang kanyang mga kasama.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results