Paghirang kay Eddie Garcia bilang National Artist, prayoridad ni Rep. Alfred Vargas

by Jojo Gabinete
Jun 21, 2019
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for YES!

Nagluluksa ang halos lahat ng Pilipino sa buong mundo dahil sa pagpanaw ni Eddie Garcia na itinuturing na icon ng Philippine Cinema.

Hinding-hindi na mapapantayan ng ibang mga artista ang mga achievement at kontribusyon ni Eddie sa local entertainment industry.

Dahil sa mataas na respeto sa kanya, nakatitiyak kaming nagkakaisa ang lahat sa paniniwalang panahon na para igawad sa kanya ang pinakamataas na karangalan—ang National Artist for Cinema.

Ang ipagkaloob kay Eddie ang parangal bilang National Artist ang nais isulong at priority ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas sa pagbubukas ng 18th Congress sa July 1, 2019.

Ang kilalanin ang exemplary contributions ni Eddie sa Philippine art sa pamamagitan ng National Artist award ang nais ni Alfred na igawad sa veteran actor na iniidolo at iginagalang ng lahat.

"Mr. Garcia was the ultimate professional.

"We have worked together in a movie and a telenovela. He always arrived early on the set and during showbiz functions.

Continue reading below ↓

"He did his job so well, and his many awards prove this. He was one of the best actors in Philippine cinema history.

"He treated everyone -- from the director to the utility man -- with respect.

"He's a great loss to the entertainment industry," pahayag ni Alfred, na taus-pusong ipinararating ang kanyang pakikiramay sa naulila na pamilya ni Garcia.

View this post on Instagram

Rest in peace, Tito Eddie ????????????????????????

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial) on

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for YES!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results