Controversial actor, kasado na ang paglipat ng talent management

by Jojo Gabinete
Jun 21, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Kasado na ang plano ng controversial actor na lumipat sa ibang talent management agency.

Pero hinihintay niya munang matapos ang kanyang existing contract sa talent agency ng isang major television network.

Iniiwasan ng controversial actor at ng kanyang mentor na magkaroon ng "legal disputes" kaya minabuti nilang ipagpaliban sa ibang araw ang pagpapalit niya ng talent management agency.

Naniniwala ang controversial actor na lalong sisigla ang kanyang showbiz career kapag natuloy ang paglipat niya sa napipisil na talent agency.

Buhay na halimbawa ang isang aktor na gumanda ang takbo ng acting career nang iwanan nito ang dating management agency na kinabibilangan.

Mula nang lumipat ang aktor, nagkasunud-sunod ang movie assignments nito at mula sa supporting roles, nagbida siya sa mga TV series at pelikula.

Leading-man material ang controversial actor na umaasang kapag natuloy ang transfer niya, magiging maganda rin ang kanyang kapalaran tulad ng nangyayari sa career ng aktor, na itinuturing ngayong most important actor sa bakuran ng talent management agency na nilipatan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results