Showbiz personality, isa-isa nang nawawalan ng endorsements

by Jojo Gabinete
Jun 25, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

By now, imposible nang hindi maramdaman ng isang controversial showbiz personality ang mabilis na pagtamlay ng kanyang showbiz career at ang isa-isang pagkawala ng mga product endorsement niya dahil sa mga eskandalong kinasasangkutan na siya rin ang may kagagawan.

Ambassador ng isang telecommunications company ang showbiz personality at kahit hindi pa tapos ang kontrata nito ay “on hold” ang lahat ng campaign shoots niya, na epekto ng isang malaking isyu na nakaapekto sa kanyang reputasyon at kredibilidad.

May bagong ambassador na rin ang isa pang produkto na dating inendorso ng showbiz personality.

Ang sabi-sabi, tinatapos na lang ang kontratang pinirmahan nito, at hindi na ito ire-renew ng kliyente na naghanap na ng ibang celebrity endorser na respetado, wholesome ang image, at pinagkakatiwalaan ng mga consumer.

Imposibleng hindi maapektuhan ang showbiz personality ng magkakasunod na dagok na ito sa personal at professional life niya dahil sanay siya sa public adulation.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results