Former Hashtags member Jon Lucas, pumirma na sa GMA Artist Center

by Jojo Gabinete
Jul 2, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete / KapusoGirl Instagram

Si former Hashtag member Jon Lucas ang namataan ng Cabinet Files na palabas mula sa main entrance ng GMA7 Annex Studios ngayong umaga, July 2.

Nakunan ng litrato si Jon matapos ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA Network, Inc.

Kasama ni Jon si Katrina Aguila, ang anak ng talent manager na si Becky Aguila na namamahala ngayon sa kanyang showbiz career.

Dating talent ng Star Magic si Jon bago siya lumipat sa poder ni Becky, na katuwang sa kasalukuyan ng GMA Artist Center sa pamamahala sa acting career niya.

Ang unang teleserye ni Jon bilang Kapuso ay ang Pinoy version ng hit Koreanovela na Descendants of the Sun.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete / KapusoGirl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results