Thea Tolentino at Jeric Gonzales, may kapalit nang projects pagkatapos ma-shelve ang Rosang Agimat

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa original cast ng Rosang Agimat, si Gabbi Garcia na lang ang hindi pa nabibigyan ng bagong TV assignment matapos umugong ang balitang shelved na ang show na pagbibidahan niya.

Ito ay matapos ang aksidenteng nangyari sa veteran actor na si Eddie Garcia na sumakabilang-buhay noong June 20, 2019.

Sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales ang dalawa sa mga co-star ni Gabbi sa Rosang Agimat na mabilis na nagkaroon ng kapalit na projects.

Kasama si Thea sa cast ng Madrasta, ang upcoming afternoon drama series ng GMA-7 na biggest project ni Juancho Trivino dahil ilulunsad na ito bilang leading man.

Si Arra San Agustin ang kukumpleto sa lead cast ng Madrasta, na nagkaroon ng story conference kahapon, July 3.

Gaya ni Juancho, graduate na rin si Jeric sa mga supporting role dahil siya ang napipisil na leading man sa Protégé, na posibleng pagbidahan nila ni Alice Dixson.

Hopefully, may hatid na suwerte kay Jeric ang Protégé dahil natupad ang pangarap niyang maging artista nang sumali siya sa second season ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break, ang talent search program ng GMA-7 noong 2012.

Continue reading below ↓

Si Jeric ang male grand winner ng contest at mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga project niya sa kanyang mother studio.

Ang pagkakaroon nina Thea at Jeric ng mga bagong show sa GMA-7 ang palatandaang hindi na matutuloy sa pangalawang pagkakataon ang Rosang Agimat.

Napabalitag muntik nang pagbidahan ni Rhian Ramos ang Rosang Agimat noong 2007, pero nagpasya ang network management na huwag ituloy ang proyekto.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results