Adopted daughters ni Mike Magat, suwerte sa kanyang career?

by Jojo Gabinete
Jul 6, 2019

Napagkakamalang mga anak ni Mike Magat sa ibang babae ang dalawang batang babae na madalas na nakikitang kasama niya.

Pero ang totoo, mga adopted daughter sila ng character actor-turned-indie movie director.

Ang makatulong ang pangunahin na dahilan kaya inampon ni Mike ang mga anak na sina Mikaela at Michelle na kapwa isinunod niya sa kanyang pangalan at apelyido.

“Nag-ampon ako dahil wala akong anak na babae, isang lalake lang ang anak ko.

“Sabik lang siguro ako na magkaroon ng mga anak na babae na nagkataon na mahilig umarte kaya tinutulungan ko sila para matupad ang kanilang mga pangarap,” pahayag ni Mike sa Cabinet Files.

“Nandiyan lang ang parents nila pero private na lang para tahimik.

“Mas mahalaga na mabigyan ko ng magandang future ang kanilang mga anak.

“Mas masaya kasi kapag nakakatulong sa kapwa, basta dadaan sa tamang proseso dahil mahirap sa showbiz, maraming intriga.”

Continue reading below ↓

Ipinagtapat ni Mike na mula nang mag-ampon siya, nagbago ang takbo ng kanyang buhay kaya malaki ang pasasalamat niya sa Diyos.

“Lalo akong ginanahan na gumawa ng mga inspirational movie na ilalaban ko sa mga international film festival.

“Masaya ako ngayon dahil hindi lamang acting ang passion ko, pati na rin ang directing.

“Plano ko na dagdagan pa ang mga aampunin ko—basta mabait, may respeto sa kapwa at may takot sa Diyos,” ang sabi ni Mike.

Si Mike ang writer, director at producer ng short film na Disiotso, ang grand prize winner sa International Film Festival Manhattan noong October 2018.

Siya rin ang direktor ng Ten Seconds, ang Short Movie of the Year ng 35th Star Awards for Movies at just recently, nanalo na Best Ensemble sa 1st Subic Bay International Film Festival ang kanyang pelikulang Isang Hakbang.

Sa kabila ng mga parangal na kanyang natatanggap bilang direktor, hindi pa rin makapaniwala si Mike na nananalo sa mga film festival ang lahat ng mga short film niya.

Continue reading below ↓

Right now, pinagkakaabalahan ni Mike ang pelikulang balak niyang isali sa isang international film festival sa New York na may working title na Angelica at pagbibidahan ng kanyang adopted daughter na si Michelle.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results