Alden Richards, nagpapayat dahil sa puna ni Direk Cathy Garcia Molina

by Jojo Gabinete
Jul 10, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang pagpuna sa mga physical appearance ng mga artista na makakatrabaho niya ang isa sa mga ugali ng direktor na si Cathy Garcia Molina.

Sa presscon noon ng My Perfect You, ikinuwento ni Cathy ang mga komento niya sa unang pagtatagpo nila nina Gerald Anderson at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sobrang honest ang pakilala ni Cathy sa sarili at aminado ito na, minsan, nakaka-offend na siya.

"Sabi ko, 'Ge [Gerald], alam mo naman na hindi ako naguguwapuhan sa 'yo.'

"Si Pia, alam rin niya naman na unang kita ko sa kanya, 'Ay, ang taba mo.'

"'Tapos, sabi ko pa, 'Hindi masyadong maganda si Pia, ‘no?'

"Really, sorry, honest lang naman ako," kuwento ni Cathy sa presscon ng My Perfect You habang katabi niya sina Gerald at Pia.

She did it again.

Sa grand mediacon ng pelikulang ng Hello, Love, Goodbye kagabi, July 9, ang pagiging mataba ni Alden Richards sa look test para sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo ang isa sa mga napag-usapan.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Alden, "During the look test, we did a couple of looks, kami ni Kath. Actually, more on my part.

"Parang nakikita ko na po na parang may hinahanap [si Direk]. Parang naghahanap po ng panga.

"Nung nagte-take na kami ng mga test shot, parang hindi po yata napigilan ni Direk.

"Sabi niya, 'Alden, halika dito, tingnan mo, ang taba mo.'

"Pero parang yun po ang nag-drive sa akin. After the look test po, one month pa yata ang preparation bago kami nag-Hong Kong.

"Sabi ko, 'Direk, kapag nakita niyo po ako uli, hindi na po ganyan ang hitsura ko... mas mataba na po,'" biro pa ng Kapuso actor.

"Yun talaga ang sinigurado ko. It was a conscious effort.

"My last project that time was Victor Magtanggol and I had to gain some muscle.

"Pero ang na-gain ko po, taba yata. Mali po yata ang naging diet ko noon.

Continue reading below ↓

"Marami po akong naging discovery sa sarili ko with this movie, and I’m really happy I was able to work with these amazing people and amazing director.

"Kasi binago po ni Direk yung the way I see my work now.

"Na hindi puwedeng half-baked ang commitment. Kailangan, kapag may ginagawa ka, ibuhos mo lahat."

Twenty to twenty-five pounds ang nabawas sa timbang ni Alden Richards mula nang simulan niya ang kanyang fitness routine bago sinimulan ang shooting sa Hong Kong ng Hello, Love, Goodbye.

Gumawa ang aktor ng sariling programa sa kanyang workout at diet kaya nasabi niya na, "Kaya ko palang mag-isa."

Base sa mga pahayag nina Cathy at Alden, malinaw na sinasadya ng lady director ang pagpuna sa physical appearance ng mga nakakatrabaho niya dahil isa ito sa kanyang motivational techniques para seryosohin at pagbutihin ng mga artista, hindi lamang ang pag-arte kundi para maging maayos din ang mga hitsura nila dahil iniidolo sila ng kanilang mga tagahanga.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results