Kathryn Bernardo, "minaltrato" ni Direk Cathy Garcia-Molina sa Hong Kong

by Jojo Gabinete
Jul 10, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Binigyan ni Cathy Garcia Molina ng karapatan si Kathryn Bernardo na magalit sa kanya at murahin siya sa Hong Kong shoot nila ng Hello, Love, Goodbye.

Pero isang bagay lang ang hindi puwedeng gawin ng young actress—ang mag-walk out sa set.

Ang galit sa kanya ni Kathryn dahil sa mabibigat na eksena na ipinagawa niya ang trivia na ibinahagi ni Cathy sa presscon ng much-anticipated movie ng Star Cinema na magbubukas sa cinemas nationwide sa July 31, 2019.

Kuwento ni Direk Cathy, "Ang rule ko sa kanya, lahat puwede mong gawin.

"Puwede siyang magalit sa akin, puwede niya akong murahin.

"She can do everything except walkout, so tiniis niya ako."

Ang paggamit ni Kathryn ng cellphone sa set ang isa sa mga ipinagbawal ni Cathy, pero lumabag sa kasunduan ang young actress.

"May nagbigay ng cellphone sa kanya, e, nakita ko.

"E, mabigat yung eksena, siyempre bunganga ako, 'Tanggalin ‘yan!'

Continue reading below ↓

"Ang hirap talaga nung scene for her, pagod na pagod na pagod na pagod na siya, 'tapos tinanggalan ko siya.

"So, nagagalit na siya.

"Nakikita ko, nagagalit na siya.

"Tinanong ko siya, 'Nagagalit ka na ba sa akin?' Sabi niya, 'Opo.'

"In fairness kay Kathryn, talaga naman kailangan ko siyang pagod.

"Ay, grabe, hilahod, labas-dila. Labas-dila sa pagod, e, walanghiya ako.

"Naku, naawa ako kay Kathryn.

"Kinausap ko ang staff ko, sabi ko, 'Hindi puwedeng maawa kayo. Mas maawa kayo kung hindi maganda ang ibibigay nung bata," trivia ni Cathy tungkol sa "pagmamaltrato" niya kay Kathryn sa shooting nila sa Hong Kong.

Domestic helper ang role ni Kathryn at bartender naman ang karakter ni Alden Richards sa unang movie team-up nila.

Dahil sa kanyang role sa Hello, Love, Goodbye, lalong nabuksan ang isip at mata ni Kathryn tungkol sa malungkot na pamumuhay ng mga kababayan nating nagtatrabaho bilang domestic helper sa iba’t ibang mga bansa.

Continue reading below ↓

Sabi ni Kathryn, "After the movie, itong pelikulang na 'to, talagang binuo ako, kasi mas na-open ako sa mga bagay, sa mga nangyayari.

"Grabe yung growth po at appreciation kung ano ang meron ka ngayon, kaya okey na na-experience ko yun.

"Saludo ako sa mga OFW."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results