Ian Veneracion, hindi totoong lilipat sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Jul 15, 2019
PHOTO/S: @ianveneracion1 on Instagram

“Fake news” ang reaksiyon ng isang malapit kay Ian Veneracion tungkol sa tsismis na magiging cast member ng The Better Woman ang aktor.

Itinanggi ng confidante ni Ian ang balita at siguro raw, nagkaroon ng ganoong isyu dahil sa guesting ng aktor sa talk show ni Arnold Clavio sa GMA News TV.

Nilinaw ng Cabinet Files source na tungkol lamang sa promo ng recent Music Museum concert ang paglabas ni Ian sa programa ni Arnold.

Wala rin daw katotohanan ang balitang lilipat ang aktor sa GMA-7.

Hindi naman nakakalimutan ni Ian ang kanyang pinanggalingan dahil matagal siyang naging cast member ng That’s Entertainment, ang popular youth-oriented entertainment show noon ng GMA-7.

Incidentally, nakakatanggap si Andrea Torres ng mga papuri sa The Better Woman.

Continue reading below ↓

Si Andrea ang lead actress at dual role ang ginagampanan niya sa primetime series nila ni Derek Ramsay sa Kapuso Network.

Nagtagumpay si Andrea na mabigyan ng magkaibang atake at personalidad sina Jasmine at Juliet, ang mga karakter niya sa The Better Woman.

Dahan-dahan nang natatakpan ng acting ability ni Andrea ang public misconception na isang sexy show ang drama series nila ni Derek dahil sa mga publicity noon na nakasentro sa kanilang mga love scene sa The Better Woman.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @ianveneracion1 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results