Aktres, ayaw magpatalbog sa mas batang co-star sa isang TV show

by Jojo Gabinete
Jul 16, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Ramdam na ramdam ng production staff ng isang television show ang pagiging competitive ng isang aktres.

Kung ano raw ang meron ang aktres na co-star niyang nakababata sa kanya, gusto rin niyang meron siya.

Nang makita ng aktres na magaganda ang mga damit na gagamitin ng kapwa aktres sa taping nila, nag-demand din siya sa production staff ng mga flashy dress na mahirap pagbigyan dahil hindi akma sa edad niya.

Nag-request din ang aktres ng sariling dressing room, pero may karapatan naman siya dahil madalas na maraming kasama na personal assistant ang kanyang co-star.

Very private ang aktres kaya hindi siya magiging kumportable na kahalubilo sa dressing room ang mga taong hindi niya personal na kilala.

Marami na ang mga kuwento tungkol sa kakaiba na behavior ng aktres, pero napagpapasensiyahan ito ng mga kasamahan sa trabaho dahil sa kanyang taglay na likas na kabaitan kapag nasa mood siya at hindi nangingibabaw ang "artistic temperament" niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results