Judy Ann Santos, pumayag gumanap bilang serial killer sa Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
Jul 16, 2019

Nasanay na ang publiko na napapanood si Judy Ann bilang inaapi, martir, pero lumalaban sa bandang huli sa mga kuwento ng mga TV series at pelikula na pinagbidahan niya.

Pero sa kanyang special appearance sa Ang Probinsyano, ibang-ibang na Judy Ann ang mapapanood dahil pumayag siyang gampanan ang role ng isang serial killer.

Si Coco Martin ang lead actor at isa sa mga direktor ng Ang Probinsyano kaya siya ang nagkuwento tungkol sa collaboration nila ni Judy Ann.

"Siyempre, sobrang tuwang-tuwa dahil makakatrabaho namin siya. Minsan ko lang makakatrabaho si Ate Juday.

"Alam naman namin kung gaano ka-busy si Ate Juday, sa family niya, saka sa trabaho niya.

"Siyempre, ayaw naman namin na mapahiya. Magpe-present kami ng concept sa kanya 'tapos parang hindi naman pinag-isipan.

"Nung ikinuwento ko sa kanya, habang ikinukuwento ko sa kanya yung mga mangyayari, yung karakter niya, nakikita ko naman na excited siya.

"'Tapos, nagbibigay siya ng inputs sa mga karakter, saka sa kuwento. 'Tapos, nag-collaboration kami.

Continue reading below ↓

"After that, nag-meeting kami ng production. Binuo namin lalo yung karakter para pagandahin," backgrounder story ni Coco tungkol sa meeting nila ni Judy Ann noong June 21.

Kahapon, July 15, ang unang araw ng taping ni Judy Ann para sa mga eksena niya sa Ang Probinsyano, na hindi nagpatulog kay Coco dahil sa excitement na nararamdaman nito.

Saad ng actor-director, "Hindi ako makatulog kasi isip ako nang isip kung paano yung gagawin ko.

"Siyempre, first time ko siya na makakatrabaho.

"Kinakabahan ako, hindi lang bilang artista dahil ako rin ang magdidirek sa kanya dahil nandito siya sa unit ko.

"Bilang direktor, nakakakaba na makatrabaho mo, siyempre, ang nag-iisang Judy Ann Santos.

"Alam kong matsa-challenge ang buong Ang Probinsyano family kaya talagang sobrang pinaghandaan namin siya.

"Ibang Judy Ann Santos ang makikita ng mga tao. Ibang-iba sa imahe niya.

"Iba sa mga pelikula na nagawa niya, iba sa mga teleserye na nagawa niya."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results