Nadine Lustre, ano ang reaksiyon sa pagkakapili kay Jane de Leon bilang Darna?

by Jojo Gabinete
Jul 18, 2019
PHOTO/S: Instagram

Nag-trending ang pangalan ni Nadine Lustre noong Miyerkules, July 17, dahil si Jane de Leon at hindi siya ang napili ng Star Cinema para gumanap na Darna.

May fans na nagpahayag ng disappointment dahil sa kanilang paniniwalang si Nadine ang bagay na magbida sa matagal nang nauudlot na movie project ng Star Cinema.

Isa ito sa mga isyung itinanong sa aktres sa presscon ng Indak na naganap sa dance studio ng G-Force sa Tomas Morato, Quezon City, kagabi, July 18.

Pahayag ni Nadine, "It’s nice na yung imahe ni Darna, ako yung nakikita nila.

"But, I mean, in the very beginning po, like what I said, I was never expecting and I didn’t audition din naman po.

"So, okey lang naman."

Dagdag niya, "I’m really happy na si Jane ang nakuha kasi I’ve seen her a couple of times [through] common friends.

"So it's nice na siya na yung bagong superhero nating lahat."

Continue reading below ↓

Ang Indak ang unang pelikula ni Nadine matapos manalo bilang best performer sa Young Critics Circle, best actress sa 67th FAMAS Awards noong April, at pinakamahusay na aktres ng 42nd Gawad Urian noong June para sa kanyang pagganap sa Never Not Love You ng Viva Films.

Tinanong siya kung may pressure na nararamdaman.

Sagot niya, "Honestly, I feel, like, kung lalagyan ko po siya ng pressure, baka lalo lang po akong mahirapan.

"Kasi, at the back of my head, kung iisipin ko lahat na kailangan kong i-please yung mga tao, kailangan mahigitan or at least mapantayan ko yung mga projects ko before, siyempre mahirap din para sa akin.

"So as much as possible, katulad nitong Indak, siyempre ito na yung after nang i-announce yung mga awards, enjoy lang.

"Yun lang naman po yung importante, as long as you love what you’re doing.

"Hindi mo idina-doubt yung work mo, yun lang naman po ang importante."

Continue reading below ↓

Ang Indak ay ipalalabas sa mga sinehan simula sa August 7.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results