Susan Roces, nag-host ng advance party para sa ika-78 birthday

by Jojo Gabinete
Jul 20, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Tulad ng kanyang mga nakaraang kaarawan, good health ang birthday wish ng Philippine movie queen na si Susan Roces na magdiriwang ng kanyang 78th birthday sa July 28.

Pero nagkaroon ng advance celebration ngayong gabi, July 20, sa Terrace Manila, Mother Ignacia St., Quezon City.

Ang birthday dinner na kasalukuyang nagaganap ang treat ni Susan sa kanyang mga mahal sa buhay, malalapit na kaibigan at mga co-star niya sa Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Ang kanyang anak na si Senator Grace Poe, ang Ang Probinsyano lead actor na si Coco Martin, ang mga executive ng ABS-CBN, si Regal Entertainment Inc. producer Mother Lily Monteverde, ang manager niyang si Dolor Guevarra, ang mga talent manager na sina Shirley Kuan, Veana Fores, Malou Choa-Fagar, ang entertainment writers na sina Ricky Lo at Ronald Constantino, at ang Ang Probinsyano stars na sina Jhong Hilario, Bianca Manalo, Angel Aquino at Lorna Tolentino ang ilan sa mga bisita ni Susan sa 78th birthday dinner nito.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results