Derek Ramsay, posibleng hindi matuloy sa horror movie nila ni Kris Aquino

by Jojo Gabinete
Jul 22, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang conflict sa taping schedule ng The Better Woman ng GMA-7 ang possible reason kapag hindi natuloy ang participation ni Derek Ramsay sa K(ampon), ang horror movie na official entry sa Metro Manila Film Festival sa December 2019.

Kinukunan sa malayong bayan ng Laiya, Batangas ang mga eksena ng primetime drama series nina Derek at Andrea Torres.

Ayon sa isang GMA-7 insider, inaabot ng apat hanggang limang oras ang biyahe ni Derek papunta sa location at another four hours pabalik sa bahay niya.

Hindi lamang pagod sa taping si Derek dahil walang itong driver kaya siya rin ang nagmamaneho ng sasakyan niya.

May deadline ang submission ng official entries para sa Metro Manila Film Festival.

Hindi ito kakayanin ng schedule ni Derek dahil, hanggang ngayon, busy pa rin sila ni Andrea sa regional promo tour ng The Better Woman na biglang ipinalabas sa telebisyon.

Supposedly, sa September 2019 pa ang airing ng The Better Woman.

Continue reading below ↓

Pero napaaga ang telecast ng teleserye dahil nakaapekto sa programming schedule ng GMA-7 ang shelving ng Rosang Agimat, na resulta ng aksidenteng nangyari sa veteran actor na si Eddie Garcia, na pumanaw noong June 20, 2019.

Reportedly, gustung-gusto ni Derek gawin ang horror movie na pagsasamahan sana nila ni Kris Aquino.

Pero tiyak na magkakaroon ng problema sa kanyang schedule, na ayaw niyang mangyari dahil committed siya sa GMA-7.

Bukod sa busy schedule ni Derek, hindi rin agad mauumpisahan ang shooting ng K(ampon) dahil sa diumano’y pamahiin ni Kris na hindi ito nag-uumpisa ng trabaho kapag Ghost Month na magsisimula sa August 1 hanggang sa August 29, samantalang sa August 15 naman ang Ghost Festival.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results