Kobe Paras, inalay ang MVP Award sa inang si Jackie Forster

by Jojo Gabinete
Jul 22, 2019
Kobe Paras on MVP Award at the 2019 Buddha’s Light International Association in Taiwan: "This is for you, Mama."
PHOTO/S: Instagram

Si Kobe Paras ang hinirang na Most Valuable Player sa awarding ceremony ng 2019 Buddha’s Light International Association (BLIA) na ginanap sa Taiwan kahapon, July 21.

Naglaro si Kobe para sa kanyang basketball team, ang UP Fighting Maroons.

Nakatakda silang bumalik sa Pilipinas bukas, July 23.

Naririto naman ngayon sa Pilipinas si Jackie Forster, ang asawa at ang kanyang mga anak.

Dumating sila kaninang umaga, July 22, mula sa month-long family vacation nila sa California, USA.

Ang litrato ng MVP award ni Kobe mula sa BLIA na may caption na “This is for you Mama” ang unang natanggap ni Jackie sa Viber account nito nang lumapag sa Centennial Terminal ng Ninoy Aquino International Airport ang eroplano na sinakyan nila.

Ayon kay Jackie, napaiyak siya dahil sa kaligayahan nang makita niya ang larawan ng bagong achievement ng kanyang baskeball-player son.

“I love you mama. It’s ain’t over yet ma,” sagot ni Kobe nang sabihin sa kanya ni Jackie na masaya ito at ipinagmamalaki niya ang anak.

Continue reading below ↓

China-based sa kasalukuyan ang pamilya ni Jackie at umuwi sila sa Pilipinas pagkatapos ng kanilang US vacation para bisitahin sina Kobe at Andre.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kobe Paras on MVP Award at the 2019 Buddha’s Light International Association in Taiwan: "This is for you, Mama."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results