Gerald Anderson, umamin kay Dennis Padilla na break na sila ni Bea at nililigawan si Julia?

by Jojo Gabinete
Jul 23, 2019
Umamin nga ba si Gerald Anderson kay Dennis Padilla na nililigawan niya ang anak nitong si Julia Barretto at break na sila ni Bea Alonzo?
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Nagkausap na sina Dennis Padilla at Gerald Anderson sa telepono.

Ang topic nila ay ang pinagpipistahang balita na hiwalay na si Gerald sa girlfriend nitong si Bea Alonzo, at si Julia Barretto diumano ang dahilan.

Ayon sa Cabinet Files source, umiral ang pagiging ama ni Dennis kaya tinanong niya si Gerald kung bakit ang kanyang anak na si Julia ang sinisisi sa breakup ng aktor at ni Bea.

Sa naturang pag-uusap, kinumpirma umano ni Gerald kay Dennis na nililigawan niya si Julia.

Umamin din daw ang Kapamilya actor na hiwalay na sila ni Bea.

Ikinuwento ng Cabinet Files source na si Dennis daw ang tumawag kay Gerald dahil nababahala siya sa mga nababasa niyang masasakit na batikos laban sa anak, na inaakusahang third party sa Bea-Gerald breakup.

Sinubukan ng Cabinet Files na kunin ang panig ni Dennis tungkol sa pag-uusap nila ni Gerald, pero at press time ay hindi pa siya sumasagot.

Continue reading below ↓

Nagsimula ang mga balita tungkol sa special friendship nina Gerald at Julia nang maging magkapareha sila sa Between Maybes, ang Star Cinema movie na ipinalabas sa mga sinehan noong May 15, 2019.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umamin nga ba si Gerald Anderson kay Dennis Padilla na nililigawan niya ang anak nitong si Julia Barretto at break na sila ni Bea Alonzo?
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results