Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Erwan Heussaff, open-minded sa intimate scenes ni Anne Curtis sa pelikula

by Jojo Gabinete
Jul 25, 2019
Anne Curtis on doing movies: "Okey na ako kahit one film or two films a year, I’m happy with that..."
PHOTO/S: Viva Films Instagram

Last year, tatlong pelikula (BuyBust, Sid & Aya: Not A Love Story, at Aurora) at isang major anniversary concert ang ginawa ni Anne Curtis.

Bukod sa mga nasabing project, may daily TV show (It's Showtime) siya at mga product endorsement shoot kaya matinding pagod ang naramdaman niya.

Ngayong 2019, tiniyak ni Anne na hindi na mauulit ang nangyari noong 2018 dahil dalawang pelikula lang ang project niya—ang Just A Stranger ng Viva Films na may playdate sa August 21 at ang MommaLand, ang official entry nila ni Vice Ganda sa 45th Metro Manila Film Festival sa December 2019.

"Grabe yung tatlo, as in wala na akong life especially, like, BuyBust took two years to shoot.

"And then, I did Sid & Aya,and then I did Aurora, and then nag-concert pa ako.

"So, parang hindi ko na yata kaya yung ganoon.

"Okey na ako kahit one film or two films a year, I’m happy with that, so hindi ko na uulitin!" natawang sabi ni Anne.

Continue reading below ↓

Nag-trending at pinag-usapan ang sizzling scenes ni Anne at ng kanyang leading man na si Marco Gumabao sa trailer ng Just A Stranger, kaya naging curious ang mga taong malaman ang reaksiyon ng asawa niyang si Erwan Heussaff.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi ni Anne, "He’s very open minded.

"Of course, I felt after getting married... kasi before, I wouldn’t make him read my scripts.

"But, since we got married, I felt na parang, okay, maybe I should make him read my script first so he knows what I’m doing.

"He read it. He said, 'It’s such a good material, you should do it.'

"He saw the teaser and everything, and he felt it’s very nice.

"He comments about the music, he comments about the shots.

"He actually finds it very nice so it’s never been an issue about how sexy it is ‘coz he loves quality films, like, he loves watching films.

"He’s a filmgoer talaga. Hindi siya ganoon na bawal ka mag-love scene or anything."

Continue reading below ↓

Ayon kay Anne, nanonood si Erwan ng regular screening ng kanyang mga pelikula kaya baka hindi siya samahan ng asawa niya sa premiere night ng Just A Stranger.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis on doing movies: "Okey na ako kahit one film or two films a year, I’m happy with that..."
PHOTO/S: Viva Films Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results