Aktor, humingi ng paumanhin sa co-stars dahil sa kanyang inasal

by Jojo Gabinete
Jul 25, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nag-apologize ang isang aktor sa kanyang mga kasamahan sa television show dahil sa behavior niya.

Tanggap ng aktor ang mga pagkakamali niya tulad ng hindi pakikipag-usap sa kanyang mga katrabaho, pagkukulong sa sasakyan, at wala sa mood sa tuwing nagre-report siya sa taping.

Hindi minasama ng co-stars at ng production crew ang inasal ng aktor dahil naunawaan nila ang kanyang sitwasyon.

May sakit ang mga miyembro ng pamilya ng aktor na isang mapagmahal na anak at kapatid kaya apektadong-apektado siya ng mga pangyayari.

At dahil responsible son and brother, ang aktor ang breadwinner ng pamilya.

Hindi siya puwedeng mawalan ng mga assignment at nag-iisip ng ibang mga pagkakakitaan dahil sa kalagayan ng mga miyembro ng kanyang pamilya na may karamdaman.

Ipagdasal natin na malampasan ng aktor ang mga pagsubok sa kanyang buhay dahil propesyonal siya sa trabaho at likas na mabait, pero naapektuhan lang ng mga problema na dinidibdib niya sa kasalukuyan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results