Direktor, tinawag na diyosa si Anne Curtis

by Jojo Gabinete
Jul 27, 2019
Just A Stranger director Jason Paul Laxamana calls Anne Curtis "diyosa."
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram

“Siyempre, gusto kong makatrabaho ang nag-iisang Diyosa,” ang sagot ng direktor na si Jason Paul Laxamana nang tanungin ito tungkol sa history ng Just A Stranger, ang bagong pelikula niya sa Viva Films.

Si Anne Curtis at wala nang iba pa ang "Diyosa" na tinutukoy ni Jason, at ang Just A Stranger ang unang movie project nila.

“It all started with Viva telling me that Anne is looking for a material na kagaya ng Just A Stranger, especially nakagawa na rin ako ng older woman-younger guy movie sa Cinemalaya.

“Mahilig din ako sa mga ganoong pelikula so I took the opportunity and here we are,” paliwanag ni Jason.

Si Marco Gumabao ang leading man ni Anne sa Just A Stranger pero hindi basta ibinigay sa kanya ang role dahil nag-audition siya.

“Honestly, si Anne, naka-lock na talaga kasi siya ang pinag-pitch-an natin, 'tapos kami sa Viva, pinag-uusapan namin, sino kaya ang ipapares natin kay Anne?

Continue reading below ↓

“We have a catalog, gusto namin talaga, yung fresh. Meron kasing shortage of leading men ang Viva. Sino ang potensyal na the future 'Diyos?'

“Kasi kung meron tayong Diyosa, kailangan ng future leading man ng Viva. He went through audition, actually, and nakita ko, puwede.”

For the past two years, may official entry si Jason at ang Viva Films sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na pawang number one sa box-office (ang 100 Tula Para Kay Stella noong 2017 at ang 2018 movie na The Day After Valentine’s) kaya marami ang nagtataka dahil hindi hindi kalahok sa nabanggit na film festival sa September 2019 ang Just A Stranger na pinupuri at nag-trending pa ang trailer.

Nasanay na ang moviegoers na may pelikula si Jason at ang Viva Films na kasali sa PPP.

Para sa kanila, hindi kumpleto ang PPP kung walang pelikula ang Viva Films at si Jason.

“There will be other years and I’m sure, magaganda naman ang entries sa PPP,” ang straightforward na reaksyon ni Jason na kuntento sa August 21 playdate ng Just A Stranger dahil national holiday ito sa Pilipinas.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Just A Stranger director Jason Paul Laxamana calls Anne Curtis "diyosa."
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results