Mobile app ni Willie Revillame, sagot sa pangarap ng mga Pinoy

by Jojo Gabinete
Jul 28, 2019
Willie Revillame (right) with his good friend Raymond Ronquillo (left) at the contract signing of Wil To Play at Ion Sky in Singapore
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Singapore - VIP treatment ang grand welcome kay Willie Revillame sa contract signing niya para sa Wil To Play mobile app na naganap ngayong gabi sa 56th floor ng ION Sky sa Orchard Road, Singapore.

Reportedly, pangalawa si Willie sa international actor na si Jackie Chan na pinayagang magkaroon ng private event sa 56th floor ng ION Sky.

At para sa Wowowin television host, isang malaking biyaya mula sa Panginoon ang pagkakaroon niya ng sariling mobile app na tiyak na marami ang matutulungan at mabibigyan ng bagong pag-asa sa buhay.

“Nag-sign ho ako ng kontrata sa mobile app na Wil To Play sa August Media at Synergy 88, it’s a combination of the Singaporean group and Filipino group.

“Ako yung napili nila para lagyan ng app, ito nga yung Wil To Play.

“Ang naisip ko dito, yung ating mga OFWs at saka yung medyo, alam niyo na, yung nangangarap—may panaginip na magkaroon sila ng house and lot, kotse, cellphone, lahat ng regalo na maibibigay, pang-grocery.

Continue reading below ↓

“Itong game na ito ay para ilaro ng lahat, mapa-bata o matanda. Inisip namin itong mabuti, almost one year bago ito napag-desisyunan.

“Itong game na ito, para sa buong pamilya.You can play and you can win, kaya Wil To Play.

“Ang pangalan ko ang ginamit kaya parang ako ang nag-encourage sa inyo na maglaro kayo, kasi baka may chance. It’s a game of chance. It is an extension ng Wowowin.

“Five to 6:30 pm ang Wowowin. After 6:30 pm, ano na ang susunod? Maglalaro pa rin kayo para manalo.

“Ibibigay ko lahat ang kailangan niyo—may jackets, cellphones, may pang-groceries, merong bisikleta, may motorsiklo, may kotse at may house and lot. I-a-announce ho namin kung paano sumali.

“Hindi ganoong kalaking pera ang ma-i-involve sa inyo kasi ang concept nito, makatulong at makapagbigay ng dream come true sa ating mga kababayan, lalong-lalo na yung mga Pilipino.

“Ako ang naisip ko rito, yung mga walang bahay, yung gustong magkaroon ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

“Alam niyo naman, almost 90%, mahirap ang buhay sa ating bansa. Siguro, 24 oras, tuluy-tuloy ang saya, tuluy-tuloy ang pagbibigay ng pag-asa.

“Yan po ang Wowowin at siyempre, ang Wil To Play.

“Ako din naman yan, e. Ako ang nag-isip kung papaano kayo mananalo.

“Walang Pera o Kahon pero may games na ibang klase,” ang mensahe ni Willie para sa mga Pilipino at ang paliwanag niya tungkol sa Wil To Play.

“Actually, nung napili nila ako, ngayon ko lang naintindihan na ako lang pala yung napili nila. I thought, maraming namili nito sa Pilipinas.

“Thank you so much to Mr. Jyotirmoy Saha, kay Ms. Jackeline Chua, Mr. Bernard Chong and of course, sa August Media Holdings and to Elize Estrada of Synergy88 Philippines.

“Alam mo, sobrang mahal ako ng Diyos. Sobrang mahal ako ng Diyos, ginagawa Niya akong tulay para makatulong, kasi hindi na naman ako nag-iisip ng kahit ano pa,” seryosong pahayag ni Willie.

Continue reading below ↓

Nang banggitin na pangalawa siya kay Jackie Chan sa mga celebrity na pinayagan na gamitin ang ION Sky para sa isang private event, mabilis na gumana ang utak ni Willie at nagbiro ng, “Alam mo kung bakit si Jackie Chan? Kasi lagi kong sinasabi, bigyan ng Jacket Chan!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame (right) with his good friend Raymond Ronquillo (left) at the contract signing of Wil To Play at Ion Sky in Singapore
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results